Artsíbo
Dito ninyo matutunghayan ang kagandahan ng mga museyo sa Pilipinas.
02/01/2023
Sa muling pagbabalik tanaw natin sa mga lokal na museyo, narito ang museyo na matutunghayan natin sa taong ito...
Ayala Museum
Ang Museo na ito ay isa sa mga kinikilala dahil ito ay naglalaman ng mga iba't-ibang uri ng mga koleksyon na hango pa sa mga sinaunang panahon. Ito ay makikita lamang sa Greenbelt Park, Makati, Metro Manila na kung saan matatagpuan rito ang isang kagamitan na kung tawagin ay "Barong" Ito ay isang matalim na espada, at hugis-dahon ang itsura. Isang sandata na ginagamit ng mga Pilipinong Muslim o grupo ng mga etnolinggwistiko tulad ng Tausug, Sama-Bajau, o Yakan.
Ito ay isang seremonyal na piraso at hindi ginamit para sa labanan.
📍Photo: Ayala Museum
https://www.ayalamuseum.org/collection/10423403
31/12/2022
Sa pagtatapos ng taon, binabati namin ang lahat ng isang Manigong Bagong Taon! Nawa ay patuloy nating pakahalagahan ang mga pangyayari at bagay na nagbigay ng makabuluhang kasaysayan sa mga nagdaang panahon, partikular na sa ating bansa.
Sa lahat ng taong sumuporta sa aming FB page ay lubos kaming nagpapasalamat! Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan at subaybayan hanggang matapos ang aming paglalakbay tungo sa pagpapakita ng kagandahan ng mga lokal na museyo rito sa ating bansa.
Isang maligayang taon para sa ating lahat!
27/12/2022
TARA!
Ang Pintô Art Museum ay isang pribadong museyo para sa mga eksibisyon at pag-aaral ng contemporary art dito sa ating bansa. Alam ninyo ba na ang Pintô ay isang vernacular na salitang pintuan na sumisimbolo sa institusyon na panghawakan ang isip sa cultural awareness at aesthetic consciousness?
Maraming matatagpuan dito gaya ng maraming koleksiyon ng mga modernong paintings, installations, at mga sculptures.
Mababaybay natin ang Pintô Art Museum sa Sierra Madre St., Antipolo, Rizal. Tara na't bisitahin; nang malaman natin ang kagandahan at kahalagahan ng contemporary at native art!
Image source: Sotheby's
26/12/2022
TARA NA!
Sa San Agustin Church! Hindi lang ito isang simbahan, ito ay isang museo rin! Ang Simbahan ng San Agustin sa Maynila ay matatagpuan sa loob ng makasaysayang Walled City ng Intramuros, ang Roman Catholic Baroque-style na simbahan na ito ay isang UNESCO World Heritage site.
At sa San Agustin Church and Museum matatagpuan ang Sala De Profundis. Dito nagtitipon ang pamayanan ng prayleng Augustinian upang ipagdasal ang kanilang mga kapatid at mga benefactor gayundin ang mga kaluluwa ng mga patay. Kabilang sa mga ito ang abo ng mga kilalang Pilipino tulad nina Juan Luna at Teodoro Agoncillo. Ito rin ang antechamber sa refectorio kung saan nagtipon ang komunidad para sa kanilang mga pagkain at meryenda.
Mga sanggunian sa larawan:
•Bluedreamer
https://bluedreamer27.com/exploring-museo-de-san-agustin-a-virtual-tour/
•Hotels
https://ph.hotels.com/go/philippines/san-agustin-church
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cavite
4100