Ehemplo Pinas
Sky is the limit with HEMP! 🌱
02/06/2025
Bandilang Tumubo sa Lupa 🌎
Isang Watawat na Gawa sa Damo 🇵ðŸ‡
Cavite City, Mayo 28, 2025 — Hindi karaniwang eksena ang nasaksihan sa Samonte Park ngayong Araw ng Watawat.
Sa halip na tradisyunal na bandila ng Pilipinas, isang watawat na gawa sa Cannabis H**p ang inilunsad ng mga aktibista bilang panawagan para sa legalisasyon ng cannabis sa bansa.
Pinangunahan ng Philippine March for Cannabis, HIBLA H**p Movement, CANNA PHALA, MedCann, Eh**plo, High Times Las Pinas, Help Educate Misinformed People, Philippine Society of Cannabinoid Medicine, Cannahopefuls INC., Masikhay Research , Seniors for MediCan Philippines, Haraya Policy Center, Gulay Lang Manong, CannaLegal PH, Monsterbud at 420Philippines ang pagtitipon at dinaluhan ito ng mga pasyente, magsasaka, artist, at mga tagasuporta ng kilusan.
Naging bukas ang espasyo para sa educational talk tungkol sa Cannabis, pamimigay ng learning materials, at pagpapahayag ng damdamin at paninindigan.
Bawat kalahok ay binigyan din ng libreng handmade h**p bracelet, simbolo ng pakikiisa sa adbokasiya.
Pagsapit ng 4:20 ng hapon, nagsimula ang isang 2 kilometrong martsa na may bitbit na cannabis h**p flag—ginawa ito bilang paggunita sa 127th anibersaryo ng unang pagkakawagayway ng watawat ng Pilipinas.
Nagtapos ang martsa sa bayside ng munisipyo, tanaw ang Manila skyline at ang paglubog ng araw.
Para sa marami, ang simpleng bandilang ito ay higit pa sa tela.
Isa itong paalala na ang kalayaan ay hindi natatapos sa kasaysayan, kundi patuloy na ipinaglalaban—kahit sa hibla ng damo. 🌱
| Parika Kalye Sining
Editor – Gio Viesca Ojeda
Photographer – Franz Arabit (Heart The Art)
Videographer – Marc Joel Flores (Seven)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Cavite