Boss Allen
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Boss Allen, Blogger, Cavite.
04/07/2025
Maraming Salamat Kuya Ka Raul Vlogs Sa Masarap Mong Smoked Longganisa Sa Mga Gustong Umorder Po jn Mga Caviteño Direct Message Lang Po Kayo Sa Page ni Kuya Raul Godbless Kuya Raul Pakisuportahan Din Po Ang Fb Page Ni Kuya Raul Salamat Po Godbless 🙏🙏🙏
04/07/2025
81 ANYOS NA LOLO NAKULONG DAHIL SA MAY KAPAREHONG PANGALAN? 😔😔😔
Sa isang post ng isang content creator na si Danico Ramos sa kanyang Facebook post, ipinahayag nito ang kanyang pagkadismaya sa hustisyang umiiral sa Pilipinas.
Isang 81 taong gulang na lolo ang nakulong dahil lamang sa pagkakapangalan niya sa isang taong matagal nang wanted. Ang tanging pagkakaiba lamang sa kanilang pangalan ay ang "Sr." at "Jr."
Noong Disyembre ng nakaraang taon, hinuli ng mga pulis si Tatay Prudencio Calubid Jr. sa Olongapo.
Taas-noo siyang humarap at hindi tumakbo, dala ang kanyang birth certificate, mga valid ID, marriage certificate, at iba pang dokumentong nagpapatunay na hindi siya ang taong wanted na matagal nang hinahanap.
Sa kasamaang palad, kinulong pa rin siya ng walong buwan, habang ang totoong wanted na si Calubid Sr. ay hindi pa rin natatagpuan simula pa noong 2009.
Sinaad pa ng content creator na maaaring may kumontyaba laban sa matanda dahil sa ₱7.8 milyon na bounty nito.
Nakalaya lamang ang matanda matapos humingi ng tulong ang kanyang anak sa korte upang ipaliwanag kung bakit siya nakakulong kahit walang sapat na legal na basehan upang panatilihin siya sa loob.
Dala-dala rin niya ang sumbrerong ibinigay sa kanya ng mga tao sa loob, pati na ang damit na suot na may mga sulat pa sa likod.
"Ang hustisya para lang sa mayayaman! 🥴komento ng isang netizen.
"Delikado na pala kapag may kapangalan tayo dito sa Pinas! Hays 😫"saad ng isa pa.
Courtesy: Danico Ramos/Facebook
Bukas May Kaunting Blessing Tayo 3pm Para Sa Mga Solid Supporters and Followers Natin Masipag Mag1k Sent Invites
02/07/2025
“Imbes Maawa ay Marami ang Bumatikos”😱 Sikat na Vloger na si Whamos Cruz, sinugod sa hospital. Sa kanyang Facebook post, marami ang bumatikos dito dahil ang kanyang caption ay panalangin para kay Lord pero sa comment section ay makikita ang pag hihikayat parin nito ng sugal sa kabila ng kanyang sitwasyon.
Get well soon po🫶
02/07/2025
"SCATTER"
TAgo nyo nalang po pangalan ko bilang patricia 28 years old May asawa at isang anak , itong kwento ko po ay tungkol sa asawako na si John , masaya ang buhay namin dati maalwan sa pera sagana sa buhay , nakatira kami sa bahay ng magulang ng asawa ko sa aking biyenan. .sa una masaya madaming blessings lahat ng tao sa bahay at pamilya ko sagana sa pagkain na nanggaling sa asawako maganda ang negosyo , lahat ang gumagastos asawako minsan sa ibang bagay hindi naman kapag personal na .pero sa pagkain asawa ko talaga , pero nitong huli , umuwe na ako sa amin sa bahay ng magulang ko iniwan ko sya sa puder ng magulang nya kasi nga nagnenegosyo sya bigas , nitong lang Feb , nagtataka na ako kasi parang wala na sya pera pero binalewala ko lang yon kasi sabi nya di naman daw mahina lang daw talaga kita sa pagbibigas , naniwala ako kasi akala ko totoo nitong April 17 ..May pumunta tao sa bahay ng magulang ko lalaki ..May utang daw sa kanya pera ang asawako 30k ako nabigla kasi ba't magkakaroon ng utang ang asawa ko ..pinuntahan ko sya sa bahay ng magulang nya at don ko nalaman na madami at baon na pala sya sa utang to make story short . Baon na baon na sya sa utang sinangla nya motor namin ..tatlong Cp at Isnag tricycle at May iba pa sya utang na 8k , 4k mga ganon mga 70k ang utang nya 🥲 hindi ko po alam basta bigla nalang kami nagaaway non Nong araw din nayon ..binogbog ko sya at nalaman ko natalo daw sa scatter hindi naman daw lahat kasi May ginagastos din sya sa pamilya nya at kung ano ano pa ., Kanda lubog sya sa utang nag-loan ako sa microfinance para mabayaran ang utang pero di padin sapat sobrang sakit ng aking ulo diko alam kung saan kukuha pera tapos imbes na wala kami utang nagkaron ng utang at lahat ng kita nya lahat ng pera nya naubos sa sugal kuya , sinisisi ko sya sa lahat ba't kako nagawa nya yon ba't ngayon ko lang nalaman na lulong na pala sya kasi 3months lang naman sya nawala. Na di ako kasama ganon na pala sya kalala ..di po sya marunong mag scatter at di nga din sya marunong mag cash in kuya diko alam kung sino nagturo at nalaman ko nung umuwe ako sa puder nila , May mga barkada pala sya na mga kupal tangina nyong lahat kayo ang nagbigay ng kawalang hiyaan sa asawa ko sa masamang bisyo pati sugal , Kanda iyak ako sa kanya sir buwan inabot ko ng pag iyak at stress kasi di kami makabangon agad agad , wala manlang tumulong samin kahit isa kahit pamilya nya ..wag daw sila bigyan kahihiyan at di daw kami tutulungan nakakaiyak sir diko po alam gagawin hanggang ngayon nagdudusa padin pamilya ko at wala ako mahingan tulong ang pamilya nya Nong sagana sya sa pera ay laging nasa tabi nya pero Nong nawalan sila lahat sila naglaho pinatawad ko po asawa ko at magsimula ulit magnegosyo sana po makabayad na kami ako na din po muna maghahawak ng pera sana po mga nakakabasa nito pag pray nyo din po pamilya ko na malampasan to magbabago pa naman dipa huli salamat po sa nagbasa .
゚
01/07/2025
"ITO ANG SAKIT NI WHAMOS CRUZ"
Ang mga sintomas ng loslos o hernia sa mga lalaki ay maaaring kabilang ang:
Isang bukol o umbok sa singit o ibabang bahagi ng tiyan na maaaring masakit o hindi.
Sakit o discomfort sa singit o ibabang bahagi ng tiyan, lalo na kapag bumabahin, umuubo, o nagbubuhat ng mabibigat na bagay.
Pakiramdam ng bigat o presyon sa singit o ibabang bahagi ng tiyan.
Ang hernia ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng operasyon. May dalawang pangunahing uri ng operasyon para sa hernia:
*Open repair*: Isang tradisyonal na operasyon kung saan ginagawa ang isang incision sa ibabaw ng hernia upang ayusin ang mahinang bahagi ng muscle o tissue.
*Laparoscopic repair*: Isang minimally invasive na operasyon kung saan ginagamit ang isang laparoscope (isang manipis na tube na may camera) upang ayusin ang hernia sa pamamagitan ng mga maliliit na incision.
Ang mga operasyon para sa hernia ay karaniwang ligtas at epektibo, ngunit may mga risko at komplikasyon na maaaring mangyari, tulad ng impeksyon, pagdurugo, at pagkakaroon ng hernia muli.
Mahalagang kumonsulta sa isang doktor o espesyalista upang malaman ang pinakamabuting paraan ng paggamot para sa iyong hernia.
゚
01/07/2025
sa sobrang galing mong mag dala ng problema akala tuloy, nila sarap buhay mo 🥺
I'm. not Feeling Well
Pagaling Ulit Tayo Tinamaan Ulit Tayo Ng Trangkaso Mga Idol Pahinga Muna
28/06/2025
‘Basang Pangarap’
Ako si Mico, labing-anim na taong gulang. Gusto ko lang ikuwento ang araw na tuluyang nawala ang pangarap ni Papa… dahil sa tubig.
Noong June 24 ng nakaraang taon, dapat aalis na si Papa papuntang abroad. Kumpleto na lahat ng papeles niya—passport, visa, medical, kontrata. Kailangan na lang niyang ihatid 'yung final documents sa agency. Matagal na naming inaasam 'yun dahil may sakit si Mama sa puso at kailangan namin ng malaking pera para sa gamutan.
“Sandali lang ako,” sabi ni Papa habang inaayos ang mga papel. “T-shirt lang ako, hindi na ako magja-jacket. Madali lang ’to.”
“Sana hindi ka mabasa, Wata-wata ngayon,” paalala ni Mama, mahina ang boses dahil sa karamdaman.
“Wala ’yan. Alam ko naman mga tao rito. Mapapakiusapan ko ’yan.”
Bitbit ang brown envelope at naka-helmet, sumakay siya ng motor. Akala niya sapat na ang ngiti at pakiusap para makalusot sa saya ng basaan. Pero pagkaliwa niya sa kanto, sinalubong siya ng sigawan:
“WATAAAA!!”
Isang baldeng malamig na tubig ang tumama sa kanya, sinundan ng water gun, hose, at kahit batya. Hindi na siya nakaangal.
Basang-basa si Papa, pati ang envelope. Nang maramdaman niyang malambot na ang papel sa loob, agad siyang umalis. Umuwi siyang tulala, hawak ang sirang dokumento—nagkaburang tinta, nagdikit-dikit ang mga papel, at ’yung ibang bahagi, halos hindi na mabasa.
“Tapos na,” mahinang bulong niya. “Wala na ’to. Hindi ko na maipapasa.”
Hindi ko alam kung galit ba siya o malungkot. Tahimik lang siya buong gabi. Kinabukasan, sinubukan pa niyang ipaayos, pero sinabi ng agency na hindi na raw valid ang mga papeles. Kailangan magsimula ulit—pero wala na kaming pambayad.
Simula noon, hindi na muling nabanggit ni Papa ang salitang “abroad.” Kahit kami ni Mama, hindi na rin nagtanong. Alam naming mabigat ’yon sa kanya.
---
Ngayong taon, dumaan ulit ang Wata-wata Festival. Masaya ang mga tao. Basaan ulit sa kalsada. Pero si Papa? Nasa loob lang ng bahay. Tahimik. Tinititigan ang luma’t gusot na brown envelope na nakasabit sa dingding—paalala ng isang pangarap na nalunod sa isang araw ng kasayahan.
At ako, habang hawak ko ang kamay ni Mama, iniisip ko: hindi lahat ng nababasa, natutuyo. ’Yung sa amin, nasira… at hindi na naibalik.
Credits to the rightful owners of this post ❤️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Cavite