Ang Bakawan

Ang Bakawan

Share

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Cawayan National High School, Cawayan, Claveria, Masbate.

08/01/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ ๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—˜๐—— ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—ง๐—›๐——๐—”๐—ฌ, ๐™ˆ๐˜ผ๐™Ž๐™๐™€๐™ ๐˜ฟ๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”!

Sa aming Tagapamahalang Patnugot na mukhang kalmado at laging composed, maligayang kaarawan!

Noong Enero 2 pa ang birthday niya, pero gaya ng mga deadline namin, late rin po ang bati.

Nawaโ€™y maging mas mabait ang buhay, mas konti ang revisions, at mas mahaba ang pasensya sa amin ngayong taon kahit alam naming hindi rin namin โ€˜yan maipapangako.

Mahal ka namin bilang editor ng Ang Bakawan. ๐Ÿงก

Mabuhay ka, Master Daday!

Photos from Ang Bakawan's post 16/12/2025

๐๐€๐†-๐”๐’๐๐€๐– 2.0
[Introduction to Journalism at Pagsulat ng Balita]

Inilunsad ngayong Disyembre 16, 2025 ang Pag-Usbaw 2.0: Training-Workshop para sa mga estudyanteng mamamahayag ng Cawayan National High School.

Layunin ng pagsasanay na hasain ang kasanayan sa pamamahayag ng mga mag-aaral upang maging handa silang pamahalaan ang pahayagan.

Tinalakay ni Benedict R. Urot, tagapayo ng Ang Bakawan, ang Introduction to Journalism na nakatuon sa mga batayang prinsipyo at etika ng pamamahayag.

Nagbigay naman si Kyla B. Batuhan, Punong Patnugot, ng talakayan sa pagsulat ng balita alinsunod sa pamantayan ng DSPC.

Samantala, sumailalim naman ang mga kalahok sa isang hands-on workshop upang maisagawa ang aktuwal na pagsulat ng balita matapos ang mga talakayan.

Mga larawang kuha ni: Kristine Joy Carreon

05/12/2025

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—ฌ ๐—•๐—œ๐—ฅ๐—ง๐—›๐——๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—๐—”๐—œ!

Sa aming pangalawang patnugot na laging chill pero mysteriously laging may natatapos na trabaho kahit hindi namin nakikitang nagpa-panic, isang maligayang kaarawan!

Nawaโ€™y maging mas mabait saโ€™yo ang mga deadlines ngayong taon kasi kami, hindi namin sila mapapangako.

Patuloy kang maging inspirasyon at haligi ng Ang Bakawan. โค๏ธ

Mabuhay ka, Jyro!

30/10/2025

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ -๐ฎ๐ฌ๐›๐š๐ฐ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ญ๐จ๐ญ๐จ๐ก๐š๐ง๐š๐ง!

Sa ikalawang pagkakataon, muling magtatagpo ang mga mamamahayag para sa Pag-Usbaw 2.0: Pagsasanay-Workshop ng mga Mamamahayag ng Ang Bakawan!

Buwan-buwan, tayoโ€™y maglalakbay tungo sa patuloy na pagyabong ng kasanayan sa pagsusulat sa larangan ng pamamahayag.

Patuloy tayong uusbaw para sa totoo, makabuluhan, at makataong pamamahayag. ๐Ÿ’š

15/07/2025

๐Œ๐€๐‘๐Š๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐Š๐€๐‘๐€๐‡๐€๐’๐€๐
Ni: Angela A. Negro

Layunin ng Republic Act No. 11053 o mas kilala bilang โ€œThe Anti-Hazing Act of 2018โ€ na ipagbawal ang hazing at anumang uri ng pisikal o sikolohikal na pananakit bilang bahagi ng pagtanggap o initiation sa mga fraternity o sorority, lalo na sa mga paaralan at pamantasan. Ngunit nitong ika-12 ng Hulyo sa isang publikong Facebook post ng isang mataas na paaralan sa Claveria North District ay nagimbal ang lahat sa mga kahindik-hindik na larawan ng mga kamay na may pabilog na sugat na maaring sinunog ng sigarilyo. Hindi guhit. Hindi arte, ngunit klaradong senyales ng pagkakasangkot ng mga estudyante sa hindi kilala at awtorisadong fraternity o sorority.

Isang malaking pagkabahala hindi lamang sa ating mga magulang kundi sa mga kapuwa natin estudyante ang ganitong pangyayari. Hindi natin alam,baka sa makalawa, tadtad na ng sugat o bugbog ang ating kaklase upang mapatunayan lamang na matapang siya.

Kung susumahin ang datos ng ABS-CBN mula 1954 hanggang 2023, mayroong 58 na naitalang hazing deaths sa Pilipinas. Dagdag pa rito ang 207 kaso ng hazing sa datos ng Senado noong 2017. Kung gusto nating mapabilang, ay hindi sagot ang pagsali sa fraternity o sorority dahil dagok lamang ito sa ating personalidad. Hindi na natin kayang dumagdag pa sa nakakapangilabot na bilang.

Mahigpit na kinokondena ng pahayagan ang ganitong uri ng markadong karahasan sa mga estudyante. Itoโ€™y hudyat sa lahat ng estudyante na kakaharapin nila ang pangil ng batas sa oras na sila ay sumapi sa fraternity. Nakasaad sa naturang batas na kung may mamatay man sa nasabing insidente, ay habambuhay na makukulong ang mga kasangkot.

Ang ganitong isyu ay isa ring paalala sa mga magulang na maiging bantayan ang kanilang mga anak upang higit na mailayo nila ang mga ito sa mga hindi kaaya-ayang kilusan. Mas mabuti ring ipagbigay-alam agad ito sa pamunuan ng paaralan upang mabigyan ng agarang aksyon, alinsunod sa Child Protection Policy.

Ang mga estudyante ay inaasahang magtulungan sa paghubog ng mas ligtas at makataong kapaligiran sa loob ng paaralan. Hindi marahas na ritwal ang batayan ng katapangan o pagkakaibigan. Ang tunay na samahan ay hindi nasusukat sa lakas ng palo, kundi sa lalim ng malasakit sa kapuwa.

Hindi ka โ€œcoolโ€ kung puno ka ng mga bukol. Hindi ka rin โ€œastigโ€ kung sa fraternity ka aanib.

Want your business to be the top-listed Media Company in Claveria?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Cawayan
Claveria
5419