Ang Talahayagan - GNHS
Ang Opisyal na Pahayagang Pampaaralan ng Gabi National High School
19/06/2025
"Tagumpay ng Pagtutulungan: Gabi NHS, Katuwang sa Paglinang ng Makabagong Teen Center!"
Buong galak na sinalubong ng Gabi National High School ang mga bisita mula sa Montevista National High School na pinangunahan ni Sir Romualdo G. Valdez, EdD, para sa isang makahulugan at makabuluhang benchmarking activity na ginanap sa aming Teen Center noong Hunyo 18, 2025.
Naging daan ang pagbisitang ito upang magbahaginan ng mga pinakamahusay na praktis sa pagpapatupad ng mga programa para sa pag-unlad ng kabataan at epektibong pamamahala ng Teen Center. Ikinatuwa naming ibahagi ang mga inisyatiba ng aming paaralan sa pagtataguyod ng kalusugan, pamumuno, at kabuuang kagalingan ng mga mag-aaralโpatunay ng walang humpay naming hangarin na paunlarin ang bawat kabataang Gabinian.
Lubos din naming pinasasalamatan ang Montevista NHS sa kanilang dedikasyon at bukas-palad na pakikilahok sa makabuluhang palitan ng kaalaman. Tunay na naging makulay at kapupulutan ng inspirasyon ang karanasang ito.
Maraming salamat, Montevista National High School, sa pagpili sa Gabi NHS bilang katuwang ninyo sa paglalakbay ng pagkatuto. Nawaโy magsilbing simula ito ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng ating mga paaralan tungo sa paghubog ng mas ligtas, mas malusog, at mas makabuluhang espasyo para sa bawat kabataang Pilipino.
โ๏ธ TRAZY OLYNE B. LABANG
16/06/2025
"๐ง๐ผ๐ฑ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ ๐๐ต๐ฒ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ป๐ฒ๐ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ. ๐ง๐ต๐ถ๐ ๐ถ๐ ๐ท๐๐๐ ๐น๐ถ๐ธ๐ฒ ๐๐ต๐ฒ ๐ผ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ถ๐ป ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ผ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐, ๐ฏ๐๐ ๐๐ผ๐ ๐ฑ๐ผ ๐ป๐ผ๐ ๐ธ๐ป๐ผ๐ ๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ผ๐๐ฟ ๐ฐ๐ผ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฑ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ต๐ฎ๐๐ฒ ๐๐๐ฎ๐ฟ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฎ ๐ฐ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ ๐ถ๐ป ๐๐ผ๐๐ฟ ๐น๐ถ๐ณ๐ฒ." ๐๐ค๐จ๐๐๐๐ก๐ข ๐ง. ๐๐๐ ๐จ๐ฆ, saad ng ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ถ๐ฝ๐ฎ๐น ๐ ng ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น bilang pambungad na palatuntunan para sa ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ธ ๐ฒ๐๐ธ๐๐ฒ๐น๐ฎ na ginanap sa bulwagan ng nasabing paaralan, ๐๐๐ป๐๐ผ ๐ญ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ.
Aniya na dapat maging masaya ang mag-aaral para sa kanilang mga magulang, guardian o sinumang nagbigay ng oportunidad at pagkakataon na makapag-aral sila. Marami ang gusto mag-aral bagamat maraming balakid sa buhay kung kaya't hindi sila nakapag-aral.
"๐๐ค๐ช ๐๐ค ๐ฃ๐ค๐ฉ ๐ ๐ฃ๐ค๐ฌ ๐๐ฃ๐ ๐ฎ๐ค๐ช ๐๐๐ฃ๐ฃ๐ค๐ฉ ๐ช๐ฃ๐๐๐ง๐๐จ๐ฉ๐๐ข๐๐ฉ๐ ๐ฌ๐๐๐ฉ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ฃ ๐๐ค ๐๐ฃ ๐ฎ๐ค๐ช๐ง ๐ก๐๐๐, ๐๐ฃ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฃ ๐๐ก๐ฌ๐๐ฎ๐จ ๐จ๐๐ฎ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐๐ฉ'๐จ ๐ฉ๐๐ง๐ค๐ช๐๐ ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฃ ๐๐๐๐ฃ๐๐ ๐ค๐ช๐ง ๐๐ช๐ฉ๐ช๐ง๐," dagdag pa niya.
Hamon naman niya na sa mga mag-aaral, maging pokus sa pangarap sa buhay, tingnan at mangarap kung anuman ang nais na makamit dahil ang taong walang pangarap ay walang patutunguhan.
Matamang nakikinig ang mga mag-aaral sa sinabi ni Sir Camus. Naipakilala rin ang mga g**o sa pamamagitan ni ๐๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐๐ผ ๐. ๐๐ฎ๐๐ฐ๐รฑ๐ฎ, ๐ ๐ฎ๐๐๐ฒ๐ฟ ๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ ๐ ng ๐๐ก๐๐ฆ, sa mga mag-aaral.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang nasabing gawain sa maligayang pagdating sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral.
๐ธ|โ๐ป : ๐๐น๐น๐ฒ๐๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฎ ๐. ๐ฆ๐ฎ๐ฎ๐ป
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Compostela
8803