Cuenca PIO

Cuenca PIO

Share

New Public Information Office - Cuenca, Batangas

Photos from Municipality of Cuenca - PESO's post 05/05/2026
Photos from Cuenca PIO's post 05/05/2026

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | 🏛️ Dinalaw ng DSWD CALABARZON ang Office of the Municipal Mayor ng Cuenca bilang bahagi ng isasagawang Camp Safety Audit sa evacuation center ng bayan.

Layunin ng nasabing pagbisita na masiguro ang kaligtasan, kahandaan, at maayos na kalagayan ng mga evacuation facilities para sa kapakanan ng mamamayan.

04/05/2026

KADIWA NG PANGULO SA BAYAN NG CUENCA

Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping KADIWA NG PANGULO (KNP) o ang "Katuwang sa Diwa at Gawa Para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita" sa ating bayan. Ang programang ito ay inisyatibo ng ating pamahalaan na naglalayong maghatid ng abot-kaya, sariwa, at de-kalidad na produktong agrikultura at iba pa mula sa ating mga magsasaka, mangingisda at MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises) patungo sa mga mamamayan.

📍 Lugar: Pilapil Covered Court, Poblacion 3, Cuenca, Batangas
📅 Petsa: Mayo 13, 2026
⏰ Oras: 7:00AM to 4:00PM

Ano ang inyong matatagpuan sa Kadiwa ng Pangulo?
• Sariwang Ani: Mga produktong agrikultural tulad gulay, prutas, isda at karne na mula sa magsasaka at mangingisda
• Processed Goods: Mga de-kalidad na produktong gawa ng ating mga MSMEs (Micro, Small, and Medium Enterprises)
• Mercato Stalls: Mga masasarap na ready-to-eat food para sa inyong meryenda at pagkain,

Layunin ng KADIWA na mapalakas ang kita ng ating mga magsasaka, mangingisda at MSMEs habang natutulungan ang bawat pamilyang Pilipino na makatipid sa gastusin. Suportahan po natin sila.

👉 Kita-kits po tayo! Huwag kalimutang magdala ng eco-bag 🛍️

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cuenca?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Cuenca Municipal Hall, Poblacion 2, Batangas
Cuenca
4222