Briccio Pantas MES

Briccio Pantas MES

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Briccio Pantas MES, Education, Brgy. Bungahan, Cuenca.

31/05/2020

Paalala po sa lahat ng mga magulang at mga mag-aaral ng BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL:

Ang palistahan ng mga mag-aaral na gaganapin simula ngayong Lunes ( June 1)ay kakaiba sa mga nakaraang palistahan. Hindi po pupunta ang mga magulang lalong lalo na ang mga bata sa paaralan. Ang mga g**o at mga pinuno po ng paaralan ay may mensahe na ipararating sa bawat magulang kung ano ang mga dapat gawin upang maitala ang mga mag- aaral nang hindi umaalis sa bahay upang maiwasan ang virus na dulot ng COVID 19.

Ang lahat po ng nakapagenrol na noong nakaraang Early Registration ay muli pong mageenrol gamit ang LEARNERS ENROLMENT AND SURVEY FORM(LESF) o PAGPAPATALA NG MAG-AARAL AT SURVEY FORM NA NASA LINK SA SUSUNOD NA POST.

Para po ito sa mga may internet at desktop/laptop sa bahay. Matapos itong sagutan, at mangyari pong ipasa ito sa mga dating naging g**o ng inyong anak o kung sinumang g**o sa Paaralan ng Briccio. Sa mga wala naman pong kakayanan na magpatala gamit ang internet, ay makipag-ugnayan pa rin sa mga g**o ng paaralan upang maipalata ang inyong mga anak.

MANGYARING MAKIPAG UGNAYAN PO SA DATING ADVISER NG INYONG ANAK PARA SA MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON simula Lunes JUNE 1.

MARAMING SALAMAT PO AT MAGING MAINGAT PO TAYONG LAHAT.

31/05/2020

Ang BRIGADA-ESKWELA para sa SY 2020-2021 ay may temang " Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan" ay muling nagbabalik simula June 01-August 29, 2020.
Ang BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL, DISTRITO NG CUENCA ay kaisa sa adhikain ng Deped para maging LIGTAS ANG MGA MAG-AARAL at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng hamon sa kasalukuyang panahon ng pandemya. Dahil dito nananawagan at tatanggap po kami sa lahat ng may mabubuting kalooban at sa lahat ng mga Stakeholders ng BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL para sa mga sumusunod na donasyon para sa aming mga mag-aaral:
-thermal scanners
- transparent face shield
- sanitizer
- alcohol
- disinfectant
- hand soaps
- school supplies
- health kits
- sanitation mats
-medicines
-other medical supplies
- other donations
Para sa anumang donasyon, mangyari pong makipag-ugnayan sa mga G**O o GEN. PTA OFFICERS ng ating paaralan.
Maraming salamat po sa pagtugon sa aming kahilingan...
Sa BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL tuloy ang laban sa COVID19...
!

Want your school to be the top-listed School/college in Cuenca?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address


Brgy. Bungahan
Cuenca