DepEd RXII GSC Elementary School for the Arts
Welcome to the official page of GSC Elementary School for the Arts. LIFE is GREAT in ARTS!
07/06/2026
π¨π³π³ πΊπ¬π» ππ πππ π²πππππππππ ππ πΆππ²π΄ππ°!
Handa na ang bawat silid-aralan ng GSC Elementary School for the Arts upang muling maging tahanan ng ating mga mag-aaral ngayong Panuruan 2026β2027. Tiyak itong magiging landas ng mahalagang pagkatuto, bukal ng inspirasyon, at sisidlan ng mga bagong alaala para sa ating mga mag-aaral.
Kaya ngayong pasukan, inaanyayahan ang lahat ng mag-aaral, g**o, at magulang na punuin ang mga silid ng sigla, talino, at pagkakaisa. Ang bawat dingding, mesa, pisara, at upuan ay nakahanda na upang maging saksi sa mga kwento ng pagtutulungan at tagumpay para sa bawat batang Arts!
Narinig mo na ba? π§π»ββοΈ π―οΈ
Bayanihan na sa GSCESA!
α΄α΄Ι΄Ι’ΚΙͺα΄α΄Κα΄α΄.
α΄α΄Ι’-α΄
α΄Ι΄α΄α΄α΄.
α΄α΄Ι’-α΄ α΄Κα΄Ι΄α΄α΄α΄Κ.
Gawing makabuluhan at maging kabahagi ng aming layunin para sa paparating na balik-eskwela! π«±π»βπ«²π½
01/06/2026
Halinaβt makiisa sa Brigada Eskwela na magsisimula na bukas, Hunyo 1 hanggang Hunyo 5, 2026 sa GSC Elementary School for the Arts.
Sa temang βBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanβ, sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa mas ligtas, maayos, at makabuluhang taon ng pag-aaral.
Maaari kayong mag-volunteer, mag-donate, o manghikayat upang maging kabahagi ng ating layunin.π«±πΌβπ«²π» π€
π«±π»βπ«²π½
Kasabay nito, magsisimula na rin ang Enrollment hanggang Hunyo 11, 2026 para sa Kinder, Grade 1, Balik-Aral/NLPA, at mga Transferees.
Kaya tara na, magbayanihan na sa GSCESA!
01/06/2026
πΈ TINGNAN | GSCESA, Umarangkada sa Recorida: Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela 2026, Sinimulan Na!
Sama-samang nag-ikot sa komunidad ng Apopong at Sinawal ang mga g**o at kawani ng GSC Elementary School for the Arts para sa βrecoridaβ, bilang bahagi ng paglulunsad ng Brigada Eskwela 2026 at Oplan Balik Eskwela 2026. Higit sa isang simpleng pagbisita, layunin ng gawaing ito ang ipalaganap ang impormasyon at hikayatin ang pakikiisa ng lahat.
Tara na sa GSCESA! Makibahagi sa Brigada Eskwela, i-enroll ang inyong mga anak, at sama-sama nating itaguyod ang kinabukasan ng ating mga kabataan. π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Telephone
Website
Address
Dadiangas
9500
Opening Hours
| Monday | 8am - 5am |
| Tuesday | 9am - 5am |
| Wednesday | 6am - 5pm |
| Thursday | 6am - 5pm |
| Friday | 6am - 5pm |