Breakthrough - UCN
The official student publication of the University of Camarines Norte
27/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | Inihayag ni Manette A. Ochong, mula sa Bachelor of Secondary Education Major in Sciences, ang kaniyang Valedictory Address sa harap ng mga nagsipagtapos, kahapon, ika-26 ng Hunyo, bilang bahagi ng ika-34 Araw ng Pagtatapos.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Ochong na ang pagbabago ay hindi laging magsisimula sa isang dakilang imbensyon, bagkus kung minsan, ito ay nagsisimula sa isang simpleng desisyong kumilos kahit mas madaling manahimik, ang magmalasakit kahit mas madaling mawalan ng pakialam, at ang iwan ang ating munting bahagi ng mundo na mas maayos at makatao kaysa sa kung paano natin ito natagpuan.
Si Ochong ay kinilalang Batch Valedictorian matapos makuha ang pinakamataas na karangalan at kaisa-isang nagtapos bilang Summa Cum Laude.
โ๏ธ Yvan M. Delos Santos, ๐๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ
๐ท Eliandrei Joedel P. Layosa, ๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต
Layout by Eliandrei Joedel P. Layosa, ๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง ๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ต
26/06/2026
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | Napuno ng samuโt saring reaksyon at negatibong komento sa Facebook ang katatapos lang na ika-34 Araw ng Pagtatapos sa University of Camarines Norte (UCN), matapos ang striktong pagpapatupad ng โOne graduate, one parentโ policy sa mga dumalo sa seremonya, kahapon, Hunyo 26.
Sa halip na mapuno ng galak at ngiti ang mukha, binalot ng lungkot at pagkadismaya ang araw ng pagtatapos para sa karamihan dahil sa naranasang higpit sa pagpapanatili ng seguridad sa pamantasan.
Batay sa ilang Facebook posts sa UCN Students o mas kilala sa dating pangalan na CNSC Students, pinagbawalan umano ang mga kapamilya at kaibigan na pumasok, alinsunod sa pagpapatupad ng nasabing patakaran sa kabila ng matinding init at ulan.
โ... Ang sama naman non na tinataboy sila na parang mga outsider tapos wala pang pakialam kung mabasa pa sila o mabanggaan with how much tightly packed the crowd is, in front of the gateโฆโ
Binigyang-diin din sa isang โanonymous postโ na ang kanilang mga magulang ang dahilan kung bakit sila nakapagtapos. Kung kaya naman labis ang kanilang panghihinayang nang hindi masilayang lumakad sa entablado ng kanilang mga kapamilya sa malapitan.
โPapasukin [ninyo] naman ang mga parents. Sila ang dahilan kung bakit magtatapos ang mga estudyante.โ
Ang pagpapatupad ng patakaran ay nagpatuloy hanggang sa hapon, kaalinsabay ng ikalawang bahagi ng seremonya.
๐๐๐จ๐๐ก๐๐ฌ: https://tinyurl.com/5ywrs877
Samantala, makalipas ang ilang oras ay tuluyan nang pinayagang makapasok ang mga bisita at magkaroon ng pagkakataon na masilayan ang mga nagsipagtapos.
Sa kabila ng matagumpay na pagtatapos ng seremonya, nananatiling dismayado ang karamihan sa naging resulta nito.
โ๏ธ Yvan M. Delos Santos, ๐๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ
Isinaayos ni Marc Angelo M. Del Barrio, ๐๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ ๐๐ด๐ด๐ฐ๐ค๐ช๐ข๐ต๐ฆ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ
๐ช๐๐ง๐๐ | As of 5:10 p.m., today, family and friends of the graduating Class of 2026 were granted to enter inside the school premises.
The directives came from the Vice President for Academic Affairs (VPAA), Dr. Dolores C. Volante, and was relayed to the Campus Security In-Charge, Engr. Francis N. Ferrer of General Services Office (GSO).
Parents and relatives were gathered inside the Gymnasium, witnessing the 34th Commencement Exercises.
via Mark Russel G. Obal, ๐๐ฆ๐ท๐๐ฐ๐ฎ๐ฎ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ, Yvan M. Delos Santos, ๐๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ๐ณ ๐ง๐ฐ๐ณ ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ
๐ฅ Sidney Sheldan M. Denum, ๐๐ฉ๐ช๐ฆ๐ง ๐๐ฉ๐ฐ๐ต๐ฐ๐ซ๐ฐ๐ถ๐ณ๐ฏ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ต
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
F. Pimentel Avenue
Daet
4600