Iyah Carranceja
Public and Community Service.
12/06/2026
Maligayang ika-128 Araw ng Kalayaan po sa ating mga kababayan!
Habang ginugunita natin ang tapang at sakripisyo ng mga Pilipinong nagbukas ng daan tungo sa ating kalayaan, nawa'y magsilbi rin itong paalala na patuloy nating isabuhay ang pagkakaisa, malasakit, at pagmamahal sa bayan.
Sa gitna ng mga hamon ng kasalukuyan, manatili nawa tayong may pag-asa at sama-samang kumikilos para sa mas mabuting kinabukasan ng bawat Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas! ๐
17/05/2026
YLGG Batch 6 Gradution | April 17-18
Isang malaking karangalan po para sa inyong lingkod na maging bahagi ng Young Leaders for Good Governance (YLGG) Batch 6. Sa mahigit 200 na aplikante, mapalad tayo na mapabilang sa 40 na napili mula sa iba't ibang parte ng bansa. Ang programang ito ang nagturo sa akin na ang pamumuno ay hindi tungkol sa titulo o posisyon kundi sa paglilingkod ng matino, mahusay at may puso. โค๏ธ
Sa loob ng 8 buwan na pagsasanay natutunan natin mula sa mga hinahangaan nating mga lider, speakers at mentors ang kahalagahan ng transparency, accountability, at tunay na pagseserbisyo sa bayan. Ang pagkakaron ng
malasakit sa kapwa at pagsasabuhay ng mabuting pamamahala kagaya ng iniwan sa ating aral ni Jesse M. Robredo. Kasabay nito mapalad kami na sa aming graduation nakasama namin ang isa sa haligi ng good governance Mayor Leni Robredo na nagbigay ng inspirasyon at gabay para sa mga nagsitapos ng programa.
Patuloy nating babaunin at isasabuhay ang lahat ng natutunan natin sa YLGG para sa maayos at matapat na pagseserbisyo. Maraming Salamat sa lahat ng nakasama ko sa insipirasyon na maging mas mabuting lingkod bayan.
Maraming salamat YLGG Batch 6 family! Mabuhay ang Good Governance! ๐
10/05/2026
๐ Maligayang Araw ng mga Ina!
Sa lahat ng mga Nanay, Mama, Mommy, Inang, Mama Nanay, at sa lahat ng tumatayong inaโmaraming salamat po sa walang sawang pagmamahal, pag-aaruga, at sakripisyo para sa inyong pamilya. Kayo ang unang tahanan ng pagmamahal na bumubuo ng matibay at masayang komunidad.
Nawa'y sa araw na ito ay madama ninyo ang aming walang hanggang pagpapasalamat. Mabuhay po kayo๐
Labor Day & Kapistahan ni St. Joseph the Worker |
May 1, 2026
Katulad ng ating nakagawian tuwing Fiesta ng Barangay Gahonon at kapistahan ni St. Joseph the Worker, tayo po ay nagdiwang sa isang simpleng salu-salo. ๐
Kasabay nito ang pagdiriwang natin ng Araw ng mga Manggagawa kaya pinili po natin ng maghandog ng munting merienda bilang pagpupugay sa sipag at tiyaga ng bawat manggagawa! ๐ช๐ต๐ญ
Libreng Dental Check-Up | March 30
Barangay Mambalite
Nitong nagdaang semana santa, pinili po natin na magsagawa ng libreng dental flouride application at mamigay ng dental kits kasama ang ating mga kaibigang dentista. Sila Dra. Bernie Ramos at Dra. Jennifer Limqueco po ay dumayo pa sa ating bayan upang maghatid ng libreng serbisyong dental. Ang proyektong ito ay nagbunga dahil sa kagustuhan ng aking tita, si Dra. Boots Bicierro Manzana na maghatid ng tulong sa 250 na katao bilang pagdiriwang sa kanyang nalalapit na kaarawan. โค๏ธ
Nais po nating taos pusong pasalamatan ang mga tumulong sa amin upang maging matagumpay ang proyektong ito. Sa pamunuan ng Brgy. Mambalite, kay PB Michelle Ocan sa mga kagawad lalo na kay Kagawad Arlene Aberia, kay nurse Arriane Garfin, sa mga BHW at BNS at BPSO. Ganun din po ang aming pasasalamat sa MHO kila Dra. Laurene Tejada, Dra. Ferlan Vergara, Dr. Jay Sureta at sa PDA Camarines Norte Chapter kay Dra. Angela Bardon sa inyong assistance. Ganun din po sa FPJ Panday Bayanihan Partylist kay Cong. Brian Poe na nagpaabot ng kanilang suporta.
Sa pagtatapos ng proyektong ito, walang kasing saya ang makita ang inyong mga ngiti. Muli po, maraming salamat sa inyong lahat! Ang bawat isa sa inyo ay nagbigay buhay at kulay sa proyektong ito. ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Cathedral Drive P-2 Brgy. Gahonon
Daet
4600