Bahay Teknik
A collection of ideas, projects and crafts that hope to inspire people to do things better for the community,.
02/08/2025
GAS FIRED ARMADILLO PIZZA OVEN, NALALAPIT NANG MATAPOS. Matapos ang matagal na pagtitiyaga at pasensya ng kliyente sa Ragay, Camarines Sur, mabubuo na po ang aming bagong oven. Ito ay kinatatampukan ng customized geodesic brick blocks na pinagkabit kabit upang mabuo ang dome. Higit pa rito, ito ay gagatungan sa pamamagitan ng gasifier reactor gamit ang pili shells. Inaasahan ang mura at sustainable na supply ng fuel para sa oven na ito maliban pa sa pili flavored ng lulutuing pizza, breads at lechon.
Cook test sa charcoal briquettes Jumbo. Ikinagagalak ko pong ibalita ang bagong teknik na aking natuklasan.
1. Ang charcoal briquettes ay dapat na patayo ang salansan.
2. Magsindi muna ng malalambot na klase ng uling ng kahoy o bunot. Kapag nagliyab na ay saka ipatong ang mga briquettes.
3. Hintaying ganap na silang magliyab.
4. Hindi kailangan ng blower. Ang kailangan ay PASENSYA sa paghihintay hanggang sa ganap na magliyab ang mga briquettes.
5. Sa aking testing kagabi Agosto 1, 2025, heto po ang resulta:
- apat na Briquettes Jumbo ang magkakatabi patayo. Ang isang briquette ay may timbang na 300 grams (average) samakatwid ay 1.2 kilograms silang lahat.
- kumulo ang dalawang litrong tubig sa loob ng 12 minuto.
- nagpatuloy itong kumulo sa loob ng 2 1/2 oras pa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Harmony 2, Mancruz
Daet
Opening Hours
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
| Saturday | 9am - 5pm |