JCKL YOUTH DBB-1

JCKL YOUTH DBB-1

Share

Jesus Christ King of kings & Lord of lords. He is the same yesterday, today and forever. -Hebrews 13

29/12/2020

HAPPY 9th ANNIVERSARY JCKL YOUTH DBB-1

09/09/2020

September 09, 2020
Bro. Jazero Crisostomo

Magandang hapon kumusta kayo? Gusto ko lang ishare ung passage sa Psalms 46:10 Be still, and know that I am God: I will be exalted among the heathen, I will be exalted in the earth.
Unti unti nang bumabalik ang dating takbo ng kapaligiran balik negosyo ,trabaho, pati pagaaral kasama nito ung tinatawag na NEW NORMAL.
Napakasarap lang isipin na sa kabila nang nga kaganapan patuloy tayong itinatawid ng Dios sa pang araw araw na buhay. Sa panahon ngayon maraming tao ang nakikibaka sa ibat ibang uri ng laban pero karamihan isip ang kalaban ,ang sanhi ay takot at pangamba. Mahirap kalaban ang isip at kapag nakikita ang realidad kahit gano pa kalakas ang iyong pananampalataya ay talagang nakalapanghina si Pedro nga na laging kasama si Jesus nung minsan silang nasa bangka at humangin nang napakalakas hindi bat natakot din si Pedro? Kahit sia mismo pisikal na kasma si Jesus sa bangka kilala at nakakasama ang Panginoong Hesus ay talagang nakaramdam ng takot. Bilang Kristyano maraming mga bagay ang makakapagcreate ng takot sa ating isipan lagi nating inaalala ang araw ng bukas ang ating kakainin ang mga bayarin ang ating magiging ikabubuhay at ating future.. Pano ung career na pinangarap ?pano ung studies natin ngaun ? Normal na magkaroon ng takot, ang hindi normal ay mabuhay tayo sa takot at maapektuhan ang ating isip at kilos. Bilang Kristyano napakasarap na meron tayong assurance na meron tayong matatakbuhan at malalapitan sa panahon nang pangagailangan... Lahat nang uri ng pangagailangan nasa Panginoong Hesus sabi ng Acts 17:25b He giveth to all life, and breath, and all things; Sa kanya nagmumula ang buhay, kagalingan karunungan at kapanatagan Salamat sa Panginoong Hesus dahil unti unti bumabalik na sa normal at nagkakaron na rn ng mga fellowship kaya lagi natin isipin na ang biyaya ng Dios ay sapat sa ating mga buhay❤

07/09/2020

September 07, 2020
Sis. Jeanette Guevarra

"Do not conform. Be TRANSFORMED"

“BEING A CHRISTIAN IS NOT JUST ABOUT PRAYING, READING AND SHARING GOD’S WORD, IT’S ALSO ABOUT BEING A GOOD EXAMPLE” 😊

Mga kabataan, paalala tips lang. During this pandemic, if you want peace sa bahay ninyo make sure to spend your time wisely.

If you want to do the things you like (gaming, facebooking, chatting friends, tiktok, basa ng wattpad, nood ng mga movies or vlogs, or a hobby) make sure na same lang yung focus na binibigay niyo sa mga bagay na yan at sa mga bagay na mahalaga or kailangan ninyong gawin like online classes ninyo o yung paper works, projects, gawaing bahay at marami pang iba. Kung gusto niyong di na mapagalitan ng magulang niyo, magkusa na agad sa mga gawaing bahay na alam mo namang ipapagawa nila sayo.

AT KUNG MAY TIME KA PARA SA MGA BAGAY NA GUSTO MO, IBIG SABIHIN MAY TIME KA RIN DAPAT KAY GOD. MAHAL MO SIYA DIBA?

KUNG MAHAL MO O MAHALAGA SAYO ANG ISANG BAGAY O ISANG TAO, MAGBIBIGAY KA NG ORAS SA KANYA, HINDI YUNG TIRA-TIRA LANG NA ATENSYON KUNDI PAGLALAANAN MO TALAGA NG ORAS.

Kung tayo nga nasasaktan pag walang time satin yung kaibigan natin, or yung taong mahalaga sa atin, ganun din si Lord, nasasaktan Sya pag nawawalan ka/tayo ng time sa Kanya. Tayo na sana magkusa na kilalanin pa Siya ng lubusan at maglaan ng oras para kausapin Siya at magbasa ng mga salita Nya.

* Si Isaac, nung binata siya, sumunod sya sa tatay niya kahit hindi niya alam na buhay na pala niya ang kapalit.
* Si Josiah, 8 years old nung naging hari siya “He did what is right in the eyes of the Lord.”
* Si David, nagpepraise and worship at a young age, while doing his daily chores.
* And si Jesus mismo... He knows he belong to the temple, teaching God’s word but still obeyed his earthly parents.

We are Christians. We are to follow Christ diba? We are to live differently.

* To obey our parents.
* To do our best in everything we do. Not to please others but to please God.
* To spend time with the Lord and live like Jesus.

Sana hindi na tayo yung kabataan na sasabihan pa, sesermonan at sasawayin pa ng magulang o ng ibang tao. We should set a good example, yun bang ang makikita sa atin ay yung pagbabago, yung kabataang Kristiyano na kakaiba at hindi katulad ng nasa mundo. Yung kahit walang nakakakita satin, e ginagawa natin yung tama, yung mga bagay na nakakalugod kay Lord. Sa ganoong paraan, hindi lang ang mga magulang natin ang matutuwa, kundi higit lalo Siya na nakakakita ng lahat ng ating ginagawa.🙏☝️❤️❤️💕

“Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.”
Roma 12:2
💕

17/07/2020

July 17, 2020
Bro. Jazer Crisostomo

Magandang hapon kumusta kayo?

Hindi pa rin alam kung hanggang kelan ang pandemya pero ang mahalaga sa Panginoon tuloy- tuloy ang biyaya❤
Una, magpasalamat tau sa Panginoon sa Buhay kalakasan pag iingat at lahat lahat ng bagay.
Gusto ko lang ishare ung sa
Mark 8:36
For what shall it profit a man, if he shall gain the whole world, and lose his own soul?

Napakalaking epekto talaga nang pandemya maraming kompanya at industriya ang hindi makabalik sa normal na operasyon. Madaming tao ang natauhan na at the end ung kayamanan ung titulo propesyon walang dating sa harap nang Panginoon. Maraming tao ang nagsikap para yumaman pero sa isang iglap kaya pala pawalaing saysay nang Dios lahat nang ating tinatangkilik. Maraming tao ang nagkaroon nang realisasyon na higit na mas mahalaga ang buhay. Hindi masama ang magaral magsikap at maghangad nang saganang buhay ang pagaaral at pagkakaroon ng maayos na trabaho ay biyayang tunay na sa Dios nagmumula ...programa ito nang Panginoon para maparangalan Siya sa ating mga buhay at maging pagpapala tayo sa ating kapwa ngunit kung dto ilalagak nang isang tao ang kanyang buhay mapapatunayan na tama si Haring Solomon sa aklat ng Mangangaral na ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan. Ang mga materyal na bagay ay di madadala at maaring maubos at mawala kahit ang karunungan nang tao ay d aabot sa pamantayan ng Dios. Mahalaga na maunawaan natin na ang Panginoon ang nagbibigay at bumabawi nang lahat ng bagay. Kaya pagkatapos ng pandemya mahalaga na iapply natin ang sinasabi ng
Proverbs 3:5-6
Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.
In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths.
Napakahalga na ang anuman ang ating pinaplano maaring kurso sa kolehiyo, trabaho at kahit ano pa man mahalaga na isinasangguni natin sa Panginoon
Godbless!

💕

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Dasmariñas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Dasmariñas
4114