Unstoppable For Christ
We are the youth of People's Missionary Church of Paliparan. No one can stop us to Revive our city for Jesus
05/06/2018
Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
React,Share, and post your reflections.
Visit ourdailybread.org for more
18/09/2017
*[[2Co 11:21]] MBB* Kahiya-hiya man ay aaminin kong hindi ko kayang gawin iyan! Kung may nakapagmamapuri, ako'y makapagmamapuri din--ako'y nagsasalitang tulad ng isang mangmang.
22 Sila ba'y Hebreo? Ako man. Mga Israelita ba sila? Ako rin. Lipi ba sila ni Abraham? Ako'y gayon din.
23 Sila ba'y mga lingkod ni Cristo? Nagsasalita akong waring isang baliw, ngunit ako'y mas mabuting lingkod ni Cristo kaysa kanila. Higit ang aking pagpapagal; makailang ulit akong nabilanggo, hinagupit nang maraming beses, at madalas na nabingit sa kamatayan.
24 Makalima akong tumanggap ng tatlumpu't siyam na palo mula sa mga Judio,
25 tatlong ulit kong naranasang hagupitin ng mga Romano, at minsang binato. Makaitlo kong naranasang mawasak ang barkong sinasakyan at minsa'y maghapo't magdamag akong lulutang-lutang sa dagat.
26 Sa malimit kong paglalakbay, nasuong ako sa iba't ibang panganib: sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil; mga panganib sa lunsod, sa ilang, sa dagat, sa mga mapagkunwaring kapatid.
27 Naranasan ko rin ang labis na hirap at pagod, malimit na pagpupuyat, matinding gutom at uhaw. Natikman ko ang maginaw ngunit wala man lamang mabalabal.
28 Bukod sa lahat ng iyan, inaalaala ko pa araw-araw ang mga iglesya.
29 Kung may nanghihina, karamay nila ako; at kung may nahuhulog sa pagkakasala, labis na naghihirap ang kalooban ko.
30 Kung kailangang ako'y magmapuri, ang ipagmamapuri ko'y ang aking mga kahinaan.
Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more
12/09/2017
*[[Pro 13:10]] MBB* Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, Ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng katalinuhan.
11 Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, Ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpapala.
12 Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, Ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.
13 Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa kapahamakan, Ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan.
14 Ang mga turo ng matalino ay bukal ng tubig ng buhay, Ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan.
15 Ang mabuting pag-unawa ay umaakit ng kalooban, Ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan.
16 Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa, Sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa.
17 Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, Ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan.
18 Kahihiyan ang kasasadlakan ng hindi nakikinig ng saway, Ngunit ang tumatanggap ng payo ay mag-aani ng karangalan.
19 Ang pangarap na natupad ay may dulot na ligaya, Ngunit ayaw iwan ng masama ang kasamaan niya.
20 Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, Ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.
Pagkaing Espirituwal ngayong Martes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more
06/09/2017
*[[1Corinto 15:50]] MBB* Ito ang ibig kong sabihin, mga kapatid: ang binubuo ng laman at dugo ay di magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos, at ang katawang panlupa ay di maaaring magmana ng buhay na walang hanggan.
51 Pakinggan ninyo ang hiwagang ito: hindi mamamatay ang lahat, ngunit lahat tayo'y babaguhin
52 sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling tunog ng trompeta. Pagtunog ng trompeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na mamamatay. Babaguhin tayong lahat,
53 sapagkat itong katawang nabubulok ay dapat mapalitan ng di nabubulok at ang katawang namamatay, ng di namamatay.
54 Kapag napalitan na ng walang pagkabulok ang nabubulok at napalitan na ng walang kamatayan ang namamatay, matutupad ang nasasaad sa Kasulatan: Nalupig na ang kamatayan; ganap na ang tagumpay!
55 Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?
56 Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang lakas ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.
57 Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
58 Kaya nga, mga kapatid, magpakatatag kayo at huwag matitinag. Magpakasipag kayo sa gawain para sa Panginoon yamang alam ninyong di nasasayang ang inyong pagpapagal para sa kanya.
Pagkaing Espirituwal ngayong Miyerkules.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more
31/08/2017
*[[Luk 9:57]] MBB* Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Jesus, Susunod po ako sa inyo kahit saan.
58 Sumagot si Jesus, May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.
59 Sinabi ni Jesus sa isa, Sumunod ka sa akin. Ngunit sumagot ang tao, Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama.
60 Sinabi ni Jesus sa kanya, Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos.
61 Sinabi naman ng isa, Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.
62 Sinabi sa kanya ni Jesus, Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos.
Pagkaing Espirituwal ngayong Huwebes.
React,Share, and post your reflections.
Visit odb.org for more
You are so special because God made you. Always remember, God doesn't make mistakes.
Hindi ka isang "pagkakamali". Ikaw ay isang "pagpapala". Hindi ka "hulog ng langit" tulad ni satanas (Luke 10:18).
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Telephone
Website
Address
Dasmarinas