DLM EYE CLINIC

DLM EYE CLINIC

Share

Eye Clinic that performs comprehensive eye examination, diagnosis and provide treatment.

20/11/2019

BAKIT ‘DI DAPAT MATULOG NANG NAKASUOT ANG CONTACT LENS.

Huwag matulog nang nakasuot ang inyong contact lenses dahil maaaring maging sanhi ito ng impeksyon sa iyong mata. Ang impeksiyon ng mata dahil sa contact lens ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng iyong cornea, ang malinaw na panlabas na balot ng iyong mata. Sa ilang pagkakataon, maaari itong maging sanhi ng pagkabulag.

Kumonsulta sa ophthalmologist para malaman ang tamang pagsusuot at pag-aalaga ng contact lens.

19/11/2019

THE APPLE OF YOUR EYE COULD BE TURNING BLIND...

PAANO NAAPEKTUHAN NG RETINOPATHY OF PREMATURITY (ROP) ANG PANINGIN?

Ang ROP ay isang kondisyon na nagdudulot ng abnormal na pagtubo ng mga ugat sa retina, ang light-sensitive na bahagi ng mata na nagbibigay ng atin ng paningin. Ang mga abnormal na ugat na ito ay sumisira sa retina at maaring magdulot ng pagkabulag.

Magtanong sa iyong ophthalmologist para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-diagnose at paggamot ng ROP.

# RetinopathyofPrematurity

02/11/2019

MGA SINTOMAS NG GLAUCOMA

Ang sintomas ng glaucoma na maaari mong maramdaman ay depende sa kung anong uri ng glaucoma ang mayroon ka. Ang open- angle glaucoma ang pinaka-karaniwan at kadalasan ay walang mga sintomas. Ang narrow-angle glaucoma ang pangalawang uri at mas seryosong kaso ng glaucoma. Ito ay may sintomas gaya ng sobrang pananakit ng mata, biglaang pababago ng paningin, at pagsusuka.

Komunsulta agad sa iyong ophthalmologist kung may mga sintomas na nabanggit.

Want your business to be the top-listed Health & Beauty Business in Digos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Door 8, DPM Arcade, First Crumb Street
Digos
8002

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 12pm