UP Variates
UP Variates is a duly recognized socio-academic organization based in the UP School of Statistics.
30/06/2026
NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA ISKOLAR-ESTADISTIKO NG BAYAN HINGGIL SA NALALAPIT NA IMPEACHMENT TRIAL NI BISE PRESIDENTE SARA DUTERTE
Mula sa hanay ng mga Iskolar-Estadistiko ng Bayan mula sa UP School of Statistics, patuloy na nakikiisa ang UP School of Statistics Student Council (UP Stat SC), UP Statistical Society (UP StatSoc), at ang UP Variates (UPV) sa panawagang panagutin na si VP Sara sa kaniyang pagbabalewala sa mga prinsipyo ng serbisyong pampubliko at pagtambol sa kampanyang IMPEACH SARA NOW!
ESTADISTIKO NG BAYAN, TULOY-TULOY ANG LABAN!
MULA SA TUKTOK, LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!
BAGUHIN ANG SISTEMAโLUMABAN, MAKIBAKA!
11/05/2026
Me: Kyle, please give me 3 words and I will make a freestyle M21 rap out of them.
Kyle: okie, ummm, Philips, pop, and black.
Me: say no more
rap:
yoooooo!
I will make you study hard when I spit my bars
Come on, I will show you something that is beneficial
It's called Math21 Tutorial and it is not superficial
So what are you waiting for and come for a trip
If I'm not mistaken, your name is PHILIP?
When I was a freshie, I felt really sad
Because I felt like my scores had gone real bad
But after attending the review, I reached the top
It made me confident and my scores began to POP
So come on Philip, and register now,
The tutorial is online, wow!
So just sit, relax, and straighten your back
We will make your Fridays never colored in BLACK.
ok n b tong rap isang upuan ko lng to gnawa post niyo n mamaya
WHAT: ๐๐๐ญ๐ก ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ฎ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ
WHEN: ๐๐๐ฒ ๐๐, ๐๐๐๐ (๐๐๐ญ๐ฎ๐ซ๐๐๐ฒ) | ๐:๐๐ ๐๐ - ๐:๐๐ ๐๐
WHERE: ๐๐ง๐ฒ๐ฐ๐ก๐๐ซ๐ (๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐)
Register now:
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg
https://tinyurl.com/Math21LE4TutorialReg
Google Meet link will be sent via email.
22/04/2026
Ngayong ika-22 ng Abril, ginugunita natin ang Earth Day โ isang araw ng pagkilala sa kalagayan ng ating kalikasan at panibagong panawagan para sa kolektibong pagkilos laban sa lumalalang krisis pangkapaligiran. Higit pa sa simbolikong pagdiriwang, paalala ito na ang laban para sa kalikasan ay kaakibat ng mas malawak na pakikibaka ng sambayanan para sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika.
Sa kasalukuyan, ang krisis sa klima ay hindi na abstraktong banta kundi isang araw-araw na realidad. Ang patuloy na pagtaas ng heat index sa bansa ay indikasyon ng tumitinding krisis pangkaligtasan at pangkalusugan, lalo na para sa mga manggagawa, estudyante, at komunidad na walang sapat na proteksyon. Kasabay nito, lumalala rin ang kalidad ng hangin sa mga lungsod sa Metro Manila โ isang panganib kaugnay ng mga patakarang inuuna ang industriyal na interes kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Sa ganitong kalagayan, malinaw na ang krisis pangkapaligiran ay resulta ng sistematikong kapabayaan at maling prayoridad ng pamahalaan.
Nananatiling pinakamalubha ang epekto ng krisis sa langis na dulot ng interbensyon at dominasyon ng imperyalismong US sa rehiyon. Dahil umaasa ang Pilipinas sa inaangkat na enerhiya, ang walang humpay na pag-atakeng ito ay isang malaking dagok sa kabuhayan ng ordinaryong Pilipino. Alinsunod sa pagsirit ng presyo ng langis ang pagtaas ng pamasahe, bilihin, at gastusin sa produksiyon. Pinalalala ito ng pakikipagsabwatan ni Marcos Jr. sa Estados Unidos sa porma ng balikatan exercises na walang ibang dulot kundi perwisyo sa kabuhayan ng mga magbubukid. Ang naturang ugnayan ang pumupondo sa militarisasyon sa kanayunan na nagluluwal sa pagkakapaslang ng mga lokal at pagkakawasak ng mga lupang ninuno. Sa katunayan, kakambal ng pagkasira ng kalikasan ang pagkayurak sa buhay ng mga mamamayang Negrense nang magpaulan ng bomba at bala ang 79th Infantry Battalion ng AFP. Dulot nito, higit kumulang 653 residente ang kinailangang lumikas. Bagaman hindi pa natitiyak ang bilang ng mga nasugutan o nasawi, patunay ang insidente na parehong ang kapaligiran at mga nangangalaga nito ang naaapektuhan sa naturang porma ng karahasan.
Sa ganitong gana, naninindigan ang UP Variates sa pagsusulong ng maka-agham at makamasang pag-unawa sa krisis pangkapaligiran. Nararapat na igiit ang International Humanitarian Law upang maprotektahan ang karapatan ng mga mamamayang kasangga ng kalikasan. Bilang mga Estadistiko ng Bayan, tungkulin nating gamitin ang datos, pagsusuri, pananaliksik, upang ilantad ang ugat ng mga suliraning ito at palakasin ang kolektibong pagkilos para sa tunay na pagbabago. Hindi sapat ang mga pansamantalang solusyon. Kinakailangan ang malalim at sistemikong pagkumpuni upang matiyak ang tunay na pangangalaga sa kalikasan at mga Pilipino.
Ang Earth Day ay hindi lamang paggunitaโito ay panawagan sa pagkilos. Sa paglala ng krisis pangkapaligiran at pangkabuyahan, lalo nating pinatitibay ang ating panawagan:
Ipaglaban ang kapaligiran.
Ipaglaban ang sambayanan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Room 108, School Of Statistics Cor. T. M. Kalaw Street
Quezon City
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5:30pm |
| Wednesday | 8am - 5:30pm |
| Thursday | 8am - 5:30pm |
| Friday | 8am - 5:30pm |
| Saturday | 9am - 5pm |