UP CSSP Folklore Studies Program
Folklore Studies Program
College of Social Sciences and Philosphy
University of the Philippines Diliman
30/03/2026
[KADUNONG LECTURES]
Sigbin, Betsin, at Rabis:
Mga A*o sa Kaalamang Bayang Pilipino
Ian Christopher B. Alfonso, PhD
Dalawa sa kapaniwalaang malaganap sa Pilipinas ay ang mitikal na sigbin ng Kabisayaan at nakalala*on ng a*o kahit kapiranggot na betsin. Ngunit maaaring alaalang kultural ito ng mga Pilipino sa aktwal na pangyayari sa kasaysayan: ang pagpa*ok ng sakit na rabis noong ika-18 dantaon at paraan ng paglipol sa mga a*o sa pampublikong pook noong ika-19 na dantaon gamit ang isang pulbos na kristal upang masawata ang pagkalat ng rabis. Nang dahil sa rabis, bumaba ang tingin ng lipunang Pilipino sa sarili nating mga a*o o Aspin.
===
About the speaker
Si IAN CHRISTOPHER B. ALFONSO, PhD, ay Katuwang na Propesor sa Departamento ng Kasaysayan, Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Siya ay Board Member ng Philippine Historical Association at kasapi ng UNESCO Memory of the World Program sa Pilipinas. Nagtapos siya ng Masterado ng Sining sa Kasaysayan at Doktor ng Pilosopiya sa Kasaysayan sa UP Diliman. Ang kaniyang interes sa pananaliksik pangkasaysayan ay tungkol sa Pilipinas bago at maagang pananakop ng mga Espanyol, ang Himagsikang Pilipino, toponimiya, pamamang kultural, nasyonalismo, kasaysayang pampubliko, at kasaysayang lokal ng mga pamayanan sa paligid ng Look ng Maynila. Kabilang sa kaniyang mga aklat ay ang Dogs in Philippine History (2023).
===
April 7, 2026
2:30 – 4:00
Pilar Herrera Hall
Palma Hall, UP Diliman
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Palma Hall, University Of The Philippines Diliman
Diliman