UP Speech Communication Association

UP Speech Communication Association

Share

We don't just speak, we communicate. Breaking barriers through communication since 2001.

Photos from UP Speech Communication Association's post 01/05/2026

π—”π—•π—”π—‘π—§π—˜, π— π—šπ—” π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—ͺ𝗔! ✊

The cries of our laborers do not go unheard.

It is seen in the transport strikes, nationwide protests on fair wages, and the continued struggle for workers’ rights we have witnessed since January alone. It is also seen in the everyday, often invisible and mundane struggles of our laborers despite hardship. It is seen when these laborers sustain the very spaces that depend on their labor yet remain unresponsive to their needs. It is embodied through their resilience, persistence, and endurance.

Truly, our laborers are the backbone of our society. Yet, their lived realities continue to reflect neglect and systemic precarity. On March 26, 2026, the Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) reported that workers’ labor and human rights have worsened since 2025, attributing the decline to poor labor policies and conditions under the Marcos Jr. administration. [1] From rising job insecurity, lack of worker protections, and persistent violations of labor rights, many of these workers are left socially and financially vulnerable despite their importance to our society.

The cries of our laborers do not only speak for present workers, but also for future laborers who will enter the same systems of work that aim to serve the people. The University of the Philippines Speech Communication Association (UP SPECA) recognizes that these demands shape conditions of today’s labor, while extending to the standards that will define how our future generations will work, serve, and live. In this light, we believe that the voices of our laborers and those who stand in defense of them are integral to the pursuit of a future that is fair, just, and dignified.

This Labor Day, may we continue the call for collective action in solidarity with the working class. As students and members of the UP community, may we remain committed to amplifying their struggles, engaging critically with the conditions they face. Let us continue to fight for a future where labor is met with dignity, protection, and justice, and where the rights of our workers, both present and future, are upheld to the most fundamental degree.

PHOTOS | Inquirer.net, Manila Times, Faith Argonsino

22/04/2026

Noong Abril 19, walang habas na pinaulanan ng bala ng 79th Infantry Batallion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental kung saan halos 168 na pamilya at 653 na mga indibidwal ang napilitang magbakwit sa kanilang mga tahanan.

Kaugnay nito, ibinabalita ng UP Diliman University Student Council na isa sa mga nasawi ang ating kapwa Iskolar ng Bayan na si USC Councilor Alyssa Alano dahil sa pasistang atake at panunupil ng militar sa Negros.

Mariing kinukundena ng UP Diliman USC ang ginawang pagpatay ng AFP kay Alyssa na isang inosenteng sibilyan.

Lubos ding tinututulan ng UP Diliman USC ang karumaldumal at paulit-ulit na paglabag ng reaksyunaryong gobyerno at ng kanilang mga mersenaryo sa karapatang pantao ng mamamayan ng Negros at maging sa mga aktibistang sumasandig sa laban ng masang api.

Sa kasalukuyan, si Councilor Alano ang Education and Research Councilor ng USC UP Diliman.

Nakipamuhay at nakipag-aralan si Alyssa sa hanay ng mga kapatid nating magsasaka mula sa Negros upang alamin ang kanilang tunay na kalagayan sa harap ng pangangamkam sa lupa, pagsasamantala, at militarisasyon.

Nananatili ang Negros bilang isa sa mga rehiyong may pinakamatinding militarisasyon at paglabag ng karapatang pantao. Pinaigting ng Memorandum Order 32, na naglagay sa Negros sa β€œState of Lawless Violence”, ang pagtaas ng presensya at operasyong militar sa rehiyon.

Walang habas ang mga mersenaryo sa pangangamkam ng lupa at pananamantala. Tumitindi ang pandarahas, pandadakip, at pagpatay ng mga magsasakang Negrense.

Nakita at naintindihan ni Councilor Alano ang kahalagahan sa paggamit ng kaniyang talino at lakas upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga estudyante at batayang sektor, lalo sa pagtindi ng krisis sa ekonomiya.

Si Alyssa ay naging isang mahusay, masikhay, mapagmahal, at dakilang lider-estudyante at tunay na anak ng bayan.

Nagluluksa ang konseho at buong komunidad ng UP sa pagkawala ni Alyssa. Mahigpit ding nakikiramay ang konseho sa kanyang mga naiwang pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay.

Buong tapang at buong pusong tinanggap ni Alyssa ang hamon sa bawat Iskolar ng Bayan–ang paglingkuran ang sambayanan. Hinding-hindi natin siya malilimutan.

Nalulungkot ang buong konseho sa pangyayari, ngunit higit dito, pinipili ng UP Diliman USC na buong tapang at buong tatag na ipagpatuloy ang laban para sa hustisyang panlipunan at katarungan para sa lahat ng biktima ng pasismo ng kasalukuyang nabubulok na estado.

Hangga’t hindi nabibigyan ng solusyon ang ugat ng kahirapan, marami pa ang katulad ni Alyssa na handang pag-aralan ang lipunan at magiging handang ipaglaban ang isang lipunang malaya sa pagsasamantala. Hinding-hindi mapuputol ang diwa ni Alano sa malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan na pahihigpitin pa lalo ang pagkakaisa para tuluyang magapi ang isang sistema ng lipunang mapang-api at mapagsamantala.

Iskolar ng Bayan, ipagpatuloy natin ang militanteng diwa ni Alyssa Alano!

Tumindig tayo, kasama ang bawat Iskolar ng Bayan, komunidad ng UP, at mamamayang Pilipino para sa tunay na kalayaan, katarungan, at hustisyang panlipunan!

Sumandig tayo sa laban ng mga magsasaka at lahat ng masang-api! Palakasin natin ang boses at pwersang yayanig sa sistemang mapang-api!

Alyssa, ang iyong buhay ay mananatiling isang maningning at matalas na tanglaw para sa bawat Iskolar ng Bayan, na patuloy na mangahas na makibaka at paglingkuran ang sambayanan!

Hustisya para kay Alyssa Alano!
Uphold International Humanitarian Law!
Militar sa Kanayunan, Palayasin!
Inutang na Dugo ng Pasistang Rehimen, Singilin, Singilin, Pagbayarin!

STATEMENT

Photos from UP Speech Communication Association's post 26/03/2026

𝗣𝗔𝗑𝗔π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗒𝗑𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š π— π—šπ—” π—§π—¦π—¨π—£π—˜π—₯ 𝗔𝗧 π—žπ—”π—‘π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬π—”π—‘π—š π—˜π—£π—˜π—žπ—§π—”π——π—’ π—‘π—š π—˜π—‘π—˜π—₯π—šπ—¬ 𝗖π—₯π—œπ—¦π—œπ—¦

Habang patuloy na tumataas ang presyo ng krudo at kuryente sa gitna ng malawakang energy crisis dulot ng US-Israel-Iran War, ang ating mga tsuper ay isa sa mga unang nakakaranas ng hirap. Sa kapalit ng halos 24-oras na pagkayod sa kalsada, nasa P300 lang ang maiuuwi.

Paano pa ang bigas? Ang pagpapaaral ng mga anak? Paano ang pamumuhay sa pang araw-araaw dahil sa isang krisis na hindi naman nila ginusto?

Iba’t ibang transport group gaya ng PISTON at MANIBELA ay nakikiisa sa Nationwide Transportation Strike ngayong Marso 26-27. Para sa kanila, hindi sapat ang panandaliang ayuda; ang kailangan ay kongkretong solusyon mula sa gobyerno gaya ng pagsususpinde ng 12% VAT sa petrolyo, at pagtitiyak na ang kapipirma pa lamang ni Pangulong Bongbong Marcos na Excise Tax Suspension Bill ay tunay at agarang maipapatupad.

π— π—”π—š-𝗔𝗕𝗒𝗧 π—‘π—š 𝗦𝗨𝗣𝗒π—₯𝗧𝗔 𝗦𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š π— π—šπ—” π—§π—¦π—¨π—£π—˜π—₯:

Habang ipinaglalaban natin ang mga ito, nananawagan ang UP SPECA ng pagkikiisa mula sa lahat na tumindig kasama ang ating mga tsuper laban sa mga paghihirap na kaakibat ng krisis na ito.

Anumang halaga ay magsisilbing tulong sa mga pangangailangan para sa ating mga tsuper at kanilang pamilya. Bawat piso ng inyong donasyon ay direktang mapupunta sa No to Oil Price Hike Coalition at opisyal na channel ng PISTON na ipapamahagi sa mga tsuper na apektado.

DONATION CHANNEL:

Mangyaring i-scan ang QR code sa ibaba o upang maiwasan ang mga scams, magpadala ng direct message sa aming page para sa kabuuang detalye.

Para sa transparency, maaari po ninyong i-send ang screenshot ng inyong donasyon sa Facebook messenger (Alexa Zipagan) para sa transparency report:
β–ͺ️FB Messenger: Alexa Zipagan
πŸ”—: https://m.me/alexa.zipagan

Maraming salamat sa inyong pakikiisa!

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Diliman?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Kubo #1, Tambayan Complex, Faculty Center Hill, University Of The Philippines/Diliman, Quezon City
Diliman
1101