BITAG
This is the flagship page of BEN TULFO, also known as BITAG. The contents and posts in this page are all his personal and professional activities.
21/06/2026
MY STORY…
TELL ME YOURS.
Closing time na ng mall, pasado alas-10. Mahabang pila sa pick-up area na naga-antay ng taxi, grab at sundo.
Mall pa rin ang paborito nating mga Pinoy na puntahan tuwing weekend. May krisis man o wala.
Sa bang bansa, partikular sa US, marami nang mall na nagsarahan. ‘Di na sila nakasabay sa panahon. Naging ghost town na ang mga mall dahil wala ng tao.
Dito sa atin, bata man o matanda, may pera man o wala, puno lagi ang mga mall.
Ang mall na paborito kong puntahan ay popular sa masa sa buong Pilinas.
Kayo mga Boss, anong ginawa niyo kahapon, Sabado?
HAPPY FATHER’S DAY! Puno ngayon ang mga mall.
03/06/2026
30/05/2026
NAGTATANDAAN NA, HIRAP PA RIN!
KUMOKONTI NA SILA, NILOLOKO PA!
Maaaring ang bigas na kinakain natin ay mula sa katas ng panloloko. Galing sa pambubudol o nakaw sa mga maliliit nating magsasaka.
Nagkalat ang mga dorobong buyer sa tuwing anihan ng palay. Ang kanilang puhunan, laway lang gamit ang kanilang matatamis na dila para lokohin ang mga magsasaka sa malalayong probinsiya.
Isaalang-alang natin, laging ipinagdarasal ng maliliit na magsasaka natin ay masaganang ani. Ligtas sila sa malalakas na bagyo. Mabayaran ang kanilang ipinangutang na pangtanim ng palay.
Ilagay natin ang sarili natin sa mga kawawang magsasakang ito. Naririnig ba natin sila? Naaawa ba tayo sa kanila? Nuunawaan na natin sila?
Kaya ba nating TUMINDIG, ISUKA, LABANAN at TULDUKAN ang ganitong mga panloloko sa ating mga maliliit na magsasaka?
Panoorin sa BITAG Official.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Diliman
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
| Saturday | 8am - 12pm |