DepEd Pinulot Elementary School
Child Friendly School
08/06/2026
Maligayang Unang Araw ng Pasukan!
Taong Panuruan 2026-2027
Malugod naming tinatanggap ang lahat ng mag-aaral sa panibagong taon ng pagkatuto sa Paaralang Elementarya ng Pinulot. Nawaβy maging masaya, ligtas, at makabuluhan ang bawat araw ng inyong pag-aaral.
Tara na at sama-samang abutin ang ating mga pangarap! ππ
05/06/2026
"Ang tunay na diwa ng Bayanihan ay nasa pagkakaisa ng puso at bisig."
Isang makasaysayan at emosyonal na huling araw para sa ating Brigada Eskwela Magkahawak-kamay nating tinapos ang mga huling hakbang para sa paghahanda ng ating paaralan.
Mula sa paglilinis sa Clean-up Drive kasama ang KALIPI (Kalipunan ng Liping Pilipina), hanggang sa pagtatanim ng pag-asa sa Tree Planting Activity kasama ang Iskolar ng Bataan, ipinakita natin na ang komunidad ay laging handang tumulong.
Salamat din sa gabay ng PNP Dinalupihan sa pamumuno ni Police Corporal Harley Dell A. Razon kasama ang SELG at KIDS para sa Drug Prevention and Awareness, at sa solidong suporta ng ating SGC Team nina Chairman Charmie L. Manikan, Mrs. Ross Ana P. Mauleon, Mrs. Merlissa R. Licos, Ma'am Susan C. Magsino, at Ma'am Imelda C. Sacramento.
Dahil sa Final Walkthrough ng ating Physical Facilities Coordinator na si Ma'am Theresa R. Belleza, mas kampante na tayong handa na ang bawat silid-aralan.
Matapos ang isang linggong puspusang paghahanda, matagumpay nating tinapos ang Brigada Eskwela sa pamamagitan ng isang Culminating Activity. Dito ay binigyang-pugay at pinarangalan ang ating mga katuwang na SPES Students na naglingkod mula Day 1 hanggang Day 5. Ang inyong mga natanggap na sertipiko ay katibayan ng inyong walang-sawang pagmamahal at pagbuhos ng lakas para sa ating paaralan at sa mga mag-aaral.
03/06/2026
"Sa gitna ng ulan o sikat ng araw, ang pusong may bayanihan ay hindi napaparam."
Ikatlong araw ng Brigada Eskwela, punong-puno pa rin ng pag-asa! Isang malaking pasasalamat sa 4P's Community at sa mga Iskolar ng bayanβang Iskolar ng Bataanβsa pagbuhos ng lakas para sa ating Clean-up Drive ngayong umaga.
Saludo rin po kami kay Kgwd. Hon. Joselito A. Licos para sa handog na Libreng Gupit na umabot na sa 66 na benepisyaryo ang natulungan mula pa ngayong unang araw. Karagdagan dito, nagkaroon din ng mahalagang Focal Group Discussion sa pamumuno ng ating School Head, Sir Dan Emel V. Bautista, upang mas pagandahin pa ang ating mga programa.
Bagamat maagang natapos ang mga gawain dahil sa itinaas na Orange Rainfall Warning, baon naman natin ang diwa ng pagkakaisa. Ligtas na pag-uwi po sa lahat at manatiling mapagmatyag! π§οΈπ§‘
31/05/2026
ππ¨πππ¦ π‘π! π£
Sama-sama nating ihanda ang bawat silid-aralan at pasilidad upang masiguro ang isang masaya at makabuluhang pagbabalik-eskwela para sa ating mga mag-aaral.
Hindi lang ito paglilinis ng paaralan. Ito ay pagtutulungan para sa kinabukasan ng bawat batang PINESian.
π€ Mag-volunteer
π Mag-donate
π Magbahagi ng oras
πππ§π π£π, π’ππ π-π½ππππΌπΏπΌ π£π!
ποΈ June 1β5, 2026
π Pinulot Elementary School
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Pinulot
Dinalupihan
2110
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |