Dok RJ
Offers extensive knowledge of medicine, and well-developed observation skills.
05/07/2023
Lurker po ako sa Philippine Diabetes Support group. May nabasa akong post nagtatanong tungkol sa HbA1c. Dati daw po kasi ay 5.6% ang HbA1c niya tapos ngayon 6.6% na. Dapat bang mabahala?
Depende po kasi sa HbA1c target na sinet ng doktor ninyo. Kung strict po ang target na HbA1c ay puwedeng mas mababa sa 6.5% pero sa pangkaraniwan, ang target ay mas mababa sa 7%. Bakit? Kasi ayaw din po natin na sumobrang bagsak ang asukal sa dugo kung saan puwedeng mahilo o mahimatay. Sa mga may edad nga po, minsan ok pa rin hanggang 7.5% kasi natatakot tayong mahilo ang mga matatanda tapos bumagsak at mabalian ng buto o mabagok ang ulo. Meron din po akong mga pasyente na kahit below 6.5% ang target na sinet ko at strict na nga yun, ay nagsasabi sa akin na Hindi Dok, gusto ko 6% lang!
Normal din po na magfluctuate ang HbA1c kahit hindi nagbabago ang mga gamot na iniinom para sa diabetes. May mga buwan kasi na halimbawa mas nakakapag-diet at may mga buwan naman na maraming fiesta o birthday. May mga buwan na mas nakakapag-exercise tapos pag tag-ulan na, hindi na. Pero kung may target HbA1c, basta hindi tayo lumagpas dito ay ok pa rin. Yun nga lang, dapat pa rin nating alamin kung ano ang dahilan bakit tumaas ang HbA1c. Kung mas napakain o di nakapag-exercise o nalilimutang inumin ang gamot, baka kaya tumaas ang HbA1c. Sa ganitong sitwasyon, baka hindi pa kailangang dagdagan ang dose ng mga gamot, bagkus ay ayusin muna ang diet, exercise at pag-inom ng gamot. Pero kung nagda-diet, nag-eehersisyo, umiinom naman ng gamot nang tama, ay baka may kailangang ibahin sa gamot. Makakatulong ding makita kung pati ba FBS ay tumataas din. Kaya nga po madalas ay pareho itong pinapagawa ng doktor, ang FBS at HbA1c.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Address
Block 5 Lot 9 Congressional Road, San Gabriel
General Mariano Alvarez
4117