DepEd RXII Habitat Community Elementary School

DepEd RXII Habitat Community Elementary School

Share

Department of Education School under the Conel District of General Santos City

Photos from DepEd RXII Habitat Community Elementary School's post 19/06/2026

📢 Parents’ Orientation 2026 | Key Stage 2 (Grade 4–6)

Matagumpay na isinagawa ngayong hapon ng Habitat Community Elementary School ang Parents’ Orientation 2026 para sa Key Stage 2, na dinaluhan ng mga magulang at tagapag-alaga ng mga mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6.

Pinangunahan ang programa ng ating mahal na Punong-Guro, Ma’am Evelyn Fe Sanoria, na nagbigay ng mainit na pagtanggap at nagpaalala sa kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan at tahanan para sa tagumpay ng bawat mag-aaral.

Tinalakay naman ng ating mga tagapagsalita ang mahahalagang paksa para sa taong panuruan 2026–2027:

✅ Ma’am Ma. Theresa I. Gutierrez – Psychosocial First Aid (PFA) at Alternative Modalities of Learning
✅ Ma’am Cherie Loe M. Aquino – Three-Term Grading System
✅ Ma’am Fe E. Balleras – Education in Emergency Situations, kabilang ang pagpapaliwanag sa 4 H’s bilang gabay sa paghahanda at kaligtasan ng mga mag-aaral sa panahon ng sakuna at emerhensiya.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga magulang at tagapag-alaga na dumalo at nakiisa sa gawaing ito. Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi sa paghubog ng ligtas, matatag, at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.

🏫 Habitat Community Elementary School
📚 Sama-sama, Tayo ay Bumubuo ng Mas Maliwanag na Kinabukasan para sa Bawat Bata.

Want your organization to be the top-listed Government Service in General Santos City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Habitat Phase A, Mabuhay
General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm