Room For Rent & Bed Spacer 3R Shade Provider

Room For Rent & Bed Spacer 3R Shade Provider

Share

Room For Rent & Bed Spacer & House For Rent. ( General Trias, Cavite 4107 )

Near: EPZA , FCIE , CCA

19/05/2026

Huwag agad itapon o ibenta ang gamit ni Tenant kahit umalis na sya sa unit. Bilang Landlord, kailangan maingat pa rin sa paghawak ng mga naiwan nilang gamit para maiwasan ang problema o reklamo.
✅ Una, i-document lahat ng naiwan
Mag picture at video ng buong unit at ng mga gamit na naiwan. Mahalaga ito bilang ebidensya.
✅ Pangalawa, gumawa ng written notice
I-message o sulatan si Tenant na may naiwan syang gamit at bigyan sya ng tamang palugit para kunin ito.
✅ Pangatlo, ilista ang mga naiwan
Mas mabuti kung may inventory list ng mga gamit para malinaw kung ano ang naiwan sa unit.
✅ Pwede bang gamitin pambayad sa utang?Depende kung may nakalagay sa Contract of Lease nyo tungkol sa abandoned belongings o unpaid obligations. Pero mas maganda pa rin na dumaan sa maayos na proseso.
✅ Huwag padalos-dalos. Kapag basta tinapon, sinira, o ibinenta ang gamit nang walang proper notice, pwede kang balikan ni Tenant at magreklamo.
Kaya importante:
📌 May malinaw na Contract of Lease
📌 May House Rules
📌 May proper documentation

Tandaan:
Ang pagiging Landlord ay hindi lang paniningil ng renta. Kasama rin dito ang tamang proseso at pagprotekta sa sarili laban sa problema.

19/05/2026

Maraming Landlord ang natatakot kapag ayaw pumirma ni Tenant sa Notice Letter. Pero tandaan, hindi ibig sabihin na walang bisa ang notice dahil lang tumanggi syang pumirma.

✅ Ang importante ay maipakita mo na sinubukan mong iabot ang notice.

Pwede mong gawin ito:
📌 Mag video o picture habang inaabot ang notice
📌 Magdala ng witness habang ibinibigay
📌 I-send sa Messenger, text, email o registered mail
📌 Ilagay sa pinto o ilalim ng unit door kung ayaw talagang tanggapin

Kapag tumanggi si Tenant:
✅ Isulat sa notice:
“Tenant refused to receive/sign the notice.”

Mas maganda kung may:
✔ witness
✔ picture/video
✔ screenshot ng messages

Tandaan:
Ang Notice Letter ay mahalaga bilang ebidensya na nagbigay ka ng proper warning o demand bago gumawa ng legal action.

Kaya bilang Landlord:
📌 Huwag mainit ang ulo
📌 Huwag makipagsigawan
📌 Daanin sa proper documentation at tamang proseso

Sa paupahan, malaking proteksyon ang:
✔ Contract of Lease
✔ House Rules
✔ Proper Notice
✔ Documentation

Hindi sapat ang salita lang. Dapat may ebidensya.

18/05/2026

Kadalasan kapag iniwang sobrang dumi ang unit, si Tenant ang may sagot sa cleaning expenses.

Bakit?

Dahil obligasyon ni Tenant na ibalik ang unit sa maayos at malinis na kondisyon bago umalis. Hindi trabaho ni Landlord na maglinis ng kalat, tambak na basura, maruming CR, mantika sa kusina, o sobrang duming pader at sahig na iniwan ng dating Tenant.

Pwede itong:
✅ Ibawas sa Security Deposit
✅ Singilin kay Tenant kung kulang ang deposit
✅ Ilagay bilang malinaw na clause sa Contract at House Rules

Mas maganda kung may:
✔ Move-In Inspection
✔ Move-Out Inspection
✔ Pictures o video bago at pagkatapos umalis si Tenant

Para may ebidensya kung gaano kalinis o kadumi ang iniwang unit.

Tandaan:
Ang Security Deposit ay hindi lang para sa sira. Pwede rin ito gamitin sa:
• Unpaid bills
• Damages
• Cleaning expenses
• Disposal ng iniwang gamit o basura

Kaya mahalaga na malinaw ito sa kontrata para iwas argumento pag alis ni Tenant.

Paupahan ay negosyo, hindi charity. Kailangan protektado rin si Landlord sa dagdag gastos sa pagpapalinis at pagpapaayos ng unit.

Want your hotel to be the top-listed Hotel in General Trias?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Brgy. Sta. Clara
General Trias
4107