Kent Natividad
Kasama Niyo sa Mas Maunlad, Mas Masaganang Guimba, Konsehal Kent Natividad! Kasama mo sa mas pinaunlad at mas pinasaganang Guimba, Nueva Ecija!
11/05/2026
Kamusta mga kapwa ko Guimbanian?
Masaya po ang inyong lingkod na makasama kayo ngayong araw sa Flag Raising Ceremony at maging bahagi ng pagkilala sa mga natatanging Guimbanian. Kasama rin po tayo ngayong araw ng pag-check sa bagong proyektong inihahanda para sa ating Guimba Landmark Nakiisa rin po tayo sa session at patuloy na tumutugon sa mga kapwa nating Guimbanian na nangangailangan, dahil naniniwala po tayo na ang serbisyo publiko ay hindi lamang tungkulin, kundi taos-pusong paglingap sa kapwa. 🙏
Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta. Patuloy po tayong magsama-sama para sa mas maunlad at mas masaganang Guimba. ❤️
04/04/2026
Mga kapwa ko Guimbanian, ngayong Linggo ng Pagkabuhay, ipinapaalala po sa atin na matapos ang dilim, may liwanag. Matapos ang lungkot, may saya. At matapos ang paghihintay, may bagong simula.
Tulad ng muling pagkabuhay ni Kristo, may pag-asa po para sa bawat isa sa atin. Anumang pinagdadaanan, may pagkakataon po tayong bumangon at magsimula muli.
Sama-sama po nating ipagdiwang ang tagumpay ng buhay at pag-asa, at dalhin natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay. Maligayang Pasko ng Pagkabuhay po sa ating lahat!
03/04/2026
Mga kapwa ko Guimbanian, ngayong Sabado de Gloria, parang ang tahimik ng lahat na para bang may hinihintay.
Minsan ganito rin po sa buhay natin… may mga araw na mabigat, parang walang nangyayari, at hindi natin alam kung kailan magiging okay. Pero kung sama-sama po tayong kakapit at mananalig, kahit hindi pa natin nakikita, may darating pong liwanag.
Unti-unti pong aayos ang lahat, basta patuloy lang tayong lumalaban at nagtitiwala.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Guimba