One Health Guimba
One Health Guimba Online
08/08/2024
DUGONG ALAY, DUGTONG BUHAY!
31/01/2024
16/11/2022
Muli ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng GUIMBA sa gabay ng butihing Mayor Jose R. Dizon, Municipal Health Office/RHU sa pangunguna ni Dra. Ma. Gene Cinense-Tadeo ay nag iimbita sa ating mga kababayan na makiisa at sumuporta sa BLOODLETTING ACTIVITY na gaganapin sa ika-22 ng Nobyembre, 2022, Martes, mula 8am-3pm sa ating Municipal E-Library Building. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Dr. PJGMRMC at Provincial Health Office Nueva Ecija.
Maari ka makapagbigay ng dugo kung:
-May timbang na at least 50kg
-Edad 18-65 taong gulang
-Malusog ang pangangatawan (walang pananakit ng lalamunan, ubo, sipon, lagnat sa nakalipas na 2 linggo)
-Presyon: systolic 90-140, diastolic 60-100
-Sapat na tulog at pahinga
-Hindi nakainom ng alak sa nakalipas na 24 oras bago magdonate ng dugo
-Walang iniinom ngantibiotics o aspirin sa kasalukuyan
-Walang kasalukuyang exposure sa nagpositibo sa Covid-19
-Pumasa sa physical at health screening sa mismong araw ng blood donation
TAYO NA! GIVE BLOOD SAVE LIVES😊❣️❣️❣️🅰️️🅱️🅾️🆎️
Sa bawat dugo na maibibigay ay isang buhay ang maisasalba.
14/08/2022
Ang asthma o hika ay isang kondisyon kung saan ang mga daluyan ng hangin papunta sa baga ay nagiging masikip na nagiging sanhi ng paghirap sa paghinga.
Ang karaniwang sanhi ng pag-atake nito ay alikabok, kemikal, at usok na nagdudulot ng taluhiyang o allergies, stress, impeksyon, ehersisyo, at mga ilang gamot.
Sa pagtatapos ng National Asthma Week, ang Kagawaran ay muling nagpapaalala na mahalagang makontrol ang hika.
Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang makatulong maibsan o maiwasan ang pag-atake nito:
1. Dalhin sa lahat ng oras ang resetang gamot para sa hika. Inumin o gamitin ito ayon sa nakatakdang oras at alamin ang maagang senyales ng pag-atake nito.
2. Iwasan ang paninigarilyo o ang usok galing dito.
3. Magbawas ng timbang.
4. Iwasan ang mga gamot, mga pagkain o mga bagay na nagdudulot ng mga sintomas ng hika.
5. Magpabakuna laban sa trangkaso, pulmonya at COVID-19.
Sa tulong ng generics, ang mga gamot para dito ay mas pinaabot-kaya sa ating mga Pilipino na mabibili sa iba't-ibang ospital at pangunahing botika sa bansa.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa inyong mga gamot, maaaring komunsulta sa doktor o sa mga botika na malapit sa inyong lugar.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Municipality Of Guimba
Guimba
3115