Ang Boses
Ang Opisyal na Pampaaralang Publikasyon ng Hilongos National Vocational School
04/02/2026
𝗞𝗹𝗮𝘀𝗲 𝗮𝘁 𝘁𝗿𝗮𝗯𝗮𝗵𝗼, 𝗸𝗮𝗻𝘀𝗲𝗹𝗮𝗱𝗼 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘀𝘆𝗮𝗻𝗴
Sinuspende ng lokal na pamahalaan ng Hilongos, Leyte ang klase at trabaho sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, bilang pag-iingat laban sa masamang panahon na dulot ng Bagyong Basyang (Penha).
Ayon sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasalukuyang nakataas sa Signal No. 1 ang lungsod.
Inaasahan ang paglakas ng hangin na maaaring umabot mula 39 km/h hanggang 61 km/h, na posibleng magdulot ng pinsala sa mga istruktura, punong kahoy, at makaabala sa mga gawain sa lugar.
Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at ng mga awtoridad.
24/11/2025
𝗧𝗜𝗚𝗡𝗔𝗡 | Batay sa inilabas na update ng DOST-PAGASA naging isang Tropical Depression na ang Low Pressure Area (LPA) 11B na binabantayan sa Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon sa PAGASA, tinatayang nasa 345 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte (9.5°N, 128.6°E) ang sentro ng bagyo. Taglay nito ang hanging may bilis na 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 55 km/h habang kumikilos pahilagang-kanluran.
Inaasahan ang patuloy na paglakas ng Tropical Depression Verbena habang lumalapit sa kalupaan. Itinaas na sa Signal No. 1 ang iilang bahagi sa Luzon, buong Visayas, Caraga Region at Northern Mindanao.
Bilang pag-iingat, sinuspende ang face-to-face classes ng mga mag-aaral sa Hilongos at lumipat sa Alternative Delivery Mode. Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto at palagiin ang pag-monitor sa mga anunsyo para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang galaw ng Tropical Depression "Verbena" dahil inaasahan ang paglakas intensity nito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
R. V. Fulache Street
Hilongos
6524