MNHS Spoken

MNHS Spoken

Share

๐Ÿ’˜Mahal na hinihintay sayo ๐Ÿ’–

10/04/2023

"BABAE KA, HINDI BASTA BABAE LANG"

Babae ka, hindi basta babae lang
May karapatan ka sa lahat ng mga bagay.
Hindi ka babae lang na basta basta nalang lalaitin ng sinuman.
Babae ka at hindi basta babae lang Hindi ka isang bagay na may presyo at halaga Hindi ka isang laruan matapos kang pag sawaan iiwan ka nalang sa tabi ng kalsada na para bang basura.

Babae ka at hindi basta babae lang Hindi ka dapat ilarawan sa mga pang-aabuso at diskriminasyon.
Hindi ka dapat kulongin sa mga tradisyon at nakasanayang kaisipan.
Hindi ka dapat ikulong sa mga mata ng lipunan na walang malasakit.

Babae ka at hindi basta babae lang Mayroon tayong karapatang magpahayag.
Mayroon tayong kalayaan upang magkaroon ng pangarap at kinabukasan.
Mayroon tayong boses na dapat igalang at pakinggan .
Di porket babae tayo wala tayong kalayaan

Sa panahon ngayon, ilan sa kababaihan ang nawawalan na ng halaga.
Dahil sa panlabas na anyo at di maayos na pustura.
Maraming kalalakihan ang nagmamahal depende nalang sa itsura.
Tandaan
Ano man ang ating anyo
Hindi jan nasusukat ang kagandahan.
Dahil ang kagandahan ng kababaihan ay matatagpuan hindi sa panlabas na kaanyuan
kundi sa paloob ng ating kalooban.

Babae ka, hindi basta babae lang Ipinanganak ka sa mundong puno ng kaibahan, Ngunit hindi ito dahilan upang ikaw ay hamakin at ilagay sa kawalan Ipinanganak ka upang magpakalaya at magpakatotoo.
Babae ka basta hindi babae lang at ito ang yung tandaan
May karapatan ka, may kakayahan ka,
Mahalaga ka, Kamahal mahal ka,
Maganda ka anuman ang iyong itsura,
at higit sa lahat BABAE KA, HINDI KA BASTA BABAE LANG.

poetry

Want your business to be the top-listed Beauty Salon in Himamaylan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Mahalang
Himamaylan