IBA Rural Health Unit
Ibanians' public health service provider.
19/05/2026
Isa na namang matagumpay na araw ng ating Libreng Operation Tuli para sa 140 kabataang Ibanian. ❤️
Kasama sina Cong. Nanay Bing Maniquiz at SB Margie Maniquiz-Noveno, anim na taon na nating isinasagawa ang programang ito dahil naniniwala tayo na mahalagang mabigyan ang ating mga kabataang lalaki ng ligtas, maayos, at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa kanilang mas malusog na kasalukuyan at kinabukasan.
Sa tulong ng ating RHU personnel at mga volunteers, matagumpay nating naisakatuparan ang programang ito, kasama ang libreng gamot, pangangalaga, at serbisyong may malasakit.
Para sa akin, ang tunay na malasakit ay ang pagkakaroon ng pamahalaang handang umalalay sa bawat yugto ng buhay ng bawat Ibanian.
19/05/2026
🎗️ FREE CERVICAL CANCER SCREENING 🎗️
✅Ngayong buwan ng Mayo, sama-sama nating palawakin ang kaalaman tungkol sa Cervical Cancer at palakasin ang kahalagahan ng maagang pagpapasuri. Ang tamang impormasyon at agarang aksyon ay makatutulong sa pagligtas ng buhay.
📢 Makilahok sa Libreng Cervical Cancer Screening sa pamamagitan ng Visual Inspection using Acetic Acid (VIA)
👩 Bukas para sa lahat ng kababaihan edad 15–65 years old
📅 May 20, 2026
🕐 1:00 PM
📍 Iba Super Health Center, Brgy. Bangantalinga
✅Makinig, Unawain at Magpasuri para sa Agarang Gamutan. Ligtas ang may Alam, Dahil ang bawat buhay ay Mahalaga.
19/05/2026
📢 HYPERTENSION AWARENESS MONTH❤️❤️
🙋♀️ Inaanyayahan po namin ang lahat sa Launching of Hypertension and Diabetes Club bilang bahagi ng ating patuloy na adhikain para sa mas malusog at mas maayos na pamumuhay ng ating komunidad.
🗓 May 20, 2026
⏰ 8:00 AM Start
📍 Bangantalinga Elementary School, Bangantalinga, Iba, Zambales
💙Makibahagi at matuto tungkol sa tamang pangangalaga sa kalusugan, healthy lifestyle, regular monitoring, at suporta para sa ating mga may hypertension at diabetes.
❤️Sama-sama nating isulong ang mas malusog na pamayanan — Know your numbers. Manage today. Live better tomorrow.
✅Office on Health Services – Iba, Zambales
Serbisyong may malasakit para sa bawat Ibanians
17/05/2026
✂️ OPERATION TULI 2026 ✂️
➡️Inaanyayahan BUKAS ang lahat ng mga nais magpatuli na makiisa sa ating libreng Operation Tuli.
❇️FIRST COME, FIRST SERVE!
📅 Petsa: May 18, 2026
⏰ Oras: 8:00am onwards
📍 Lugar: Municipal Plaza, Purok 1, Dirita, Iba, Zambales
Mga Paalala:
✅ Maligo bago pumunta
✅ Kumain muna bago ang schedule
✅ Magsuot ng maluwag at komportableng damit
✅ Magsama ng guardian o magulang
❤️Para sa malusog at ligtas na serbisyong pangkalusugan para sa ating komunidad.
💙Serbisyong may malasakit para sa bawat Ibanians!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the practice
Telephone
Website
Address
Iba
2201
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |