Doc Bello
Primary Care and Family Medicine Doctor
π REVERSIBLE nga ba ang Type 2 DIABETES?
Sa ilang taong may Type 2 Diabetes, posible ang tinatawag na TYPE 2 DIABETES REMISSION.
Ayon sa mga international experts at sa American Diabetes Association, ang remission ay kapag ang blood sugar ay bumalik sa normal o halos normal na antas at nananatili ito nang hindi gumagamit ng gamot sa loob ng hindi bababa sa 3 buwan.
Paano mapapataas ang posibilidad ng remission?
β
Magbawas ng timbang
β
Kumain ng masustansyang pagkain
β
Mag-ehersisyo nang regular
β Hindi herbal
β Hindi detox
β Hindi food supplement
β οΈTandaan: Ang REMISSION ay hindi CURE.
β οΈ Hindi lahat ng may Type 2 Diabetes ay makakamit ang remission, ngunit mas maagang matuklasan ang diabetes at mas malaking weight loss ay nauugnay sa mas mataas na posibilidad ng remission.
May kakilala ka bang may diabetes? I-share ang video na ito para mas marami ang matuto.
π¨ Baka Stroke na pala!
Tandaan ang BE FAST para mabilis makilala ang mga senyales ng stroke.
π B. Balance β Biglang pagkawala ng balanse o pagkahilo
π E. Eyes β Biglang paglabo o pagkawala ng paningin
π F. Face β Paglaylay ng isang bahagi ng mukha
π A. Arms β Panghihina o pamamanhid ng braso
π S. Speech β Malabo o hirap magsalita
π T. Time β Tumawag agad ng emergency at dalhin sa ospital
β° TIME IS BRAIN.
Sa bawat minutong naaantala ang paggamot, mas maraming brain cells ang maaaring masira.
Ang maagang pagkilala sa sintomas ng stroke ay maaaring makaligtas ng buhay!
EXERCISE. KAIN. REPEAT.
π₯ Madalas bang sumakit at mamaga ang kasukasuan dahil sa gout? O mataas ba ang blood uric acid mo?
π Bagama't may mga gamot tulad ng Febuxostat, Allopurinol, at Colchicine, may mga lifestyle changes din na napatunayang makakatulong sa pagpapababa ng uric acid at pag-iwas sa gout attacks.
π Ito ang Limang Paraan Para Pababain ang Blood Uric Acid:
π§ Uminom ng sapat na tubig
π₯€ Iwasan ang softdrinks at mga high-fructose na inumin
π Bawasan ang mga pagkaing mataas sa purine
πΊ Limitahan o itigil ang pag-inom ng alak
βοΈ Magbawas ng timbang kung overweight o obese
β οΈ Tandaan: Ang mga paraang ito ay makakatulong, pero hindi nila pinapalitan ang mga gamot na nireseta ng inyong doktor. Kumonsulta pa rin sa inyong healthcare provider para sa tamang gamutan.
π May gout o mataas na uric acid ka ba? Ano ang pinakamahirap sundin sa limang ito? I-comment sa baba!
Hindi lang gamot ang paraan para mapababa ang blood cholesterol.
Malaking bagay rin ang healthy lifestyle para mapanatiling malusog.
Narito ang 5 evidence-based na paraan para makatulong magpababa ng cholesterol:
1. π₯ Kumain ng sapat na soluble at insoluble fiber
2. π₯ Piliin ang healthy fats o βgood cholesterolβ na pagkain
3. π Iwasan ang matataba at processed foods
4. π Iwasan ang paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak
5. π Regular na mag-ehersisyo
Maliit man ang simula, malaking pagbabago ang kayang maidulot nito sa kalusugan πͺ
26/05/2026
Blood Pressure Measurement Workshop at City of Ilagan Medical Center with the Outpatient Department CIMC team!
Nakakataas ba ng blood sugar ang pansit?
LIPID PROFILE? Ano nga ba ang ibig sabihin ng LDL, HDL, Triglycerides, at Total Cholesterol?
05/05/2026
Consultations at Saint Ferdinand College
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Baligatan
Ilagan