UAPSA Isabela State University - Ilagan

UAPSA Isabela State University - Ilagan

Share

The official page of United Architects of the Philippines Student Auxiliary Isabela State University - Ilagan Chapter

22/05/2026

LITERACY | Mga Kandilang Hindi Namamatay: Liwanag ng Atlantis

Sa ilalim ng payapang gabi, nagtipon ang mga anino,
Dalang ilaw na humahaplos sa mukha ng bawat kwento.
Bawat kandila, maliit na buwan sa palad,
Sumasayaw sa hangin na may amoy ng bagong simula.

Hawak kamay, hindi dahil obligado,
Kundi dahil alam namin ang bigat ng bawat hakbang.
May tawa na kumakapit sa labi, may luha na tahimik na dumadaloy,
At sa pagitan ng mga titig, nagtatagpo ang tapang at alinlangan.

Tinunghayan namin ang naglalakihang tala ng pag asa,
Hinabi ang pangarap mula sa hiwa hiwalay na puso.
Ang landas na tinahak, may bato, may damo, may latak ng pagod
Ngunit bawat yapak ay sinusulat sa lupa ng pagkakaibigan.

"Magpatuloy," bulong ng liwanag, "magkaisa."
At sa kandila namin natagpuan ang hugis ng tahanan:
Hindi gusali, kundi pagsisiksikan ng tiwala,
Hindi direksyon lang, kundi kamay na nagtuturo at sumasalo.

Sa umaga, ang abo man ay naglaho sa simoy ng araw,
Ang apoy sa dibdib ay nanatili hindi perpekto, pero totoo.
Sama-sama kaming hahabi ng susunod na gabi,
Susunod na pangarap, susunod na panata, susunod na awit.

At kung sakaling maligaw, babalikan namin ang nagliyab na alaala:
Candle Light ng Arkinight isang maliit na apoy,
Na nagpakita na ang daan, kahit malabo, ay may kasama
At ang pagkakaibigan ang ilaw na magpapatuloy sa paglalakbay.

✍️: Lucky Ramos
💻: John Ancheta

22/05/2026

FEATURE | Paghubog ng Pangarap: The Vision of ISU Ilagan’s Future Architects

Creativity, Resilience, and Innovation, hindi lamang simpleng presentasyon ng mga plano at disenyo ang naganap sa Thesis Defense Week ng mga 5th Year students ng Bachelor of Science in Architecture ng Architecture Department ng Isabela State University Ilagan Campus (ISU Ilagan Campus). Ito ay naging entablado ng mga pangarap, adhikain, at makabagong ideya ng mga estudyanteng handang hubugin ang kinabukasan ng arkitektura at komunidad.

Sa loob ng tatlong araw, ipinamalas ng mga graduating architecture students ang kanilang husay sa paglikha ng mga proyektong nakasentro sa sustainability, urban development, resiliency, healthcare, tourism, mobility, cultural preservation, at people-centered architecture. Bawat thesis proposal ay sumasalamin hindi lamang sa kanilang teknikal na kaalaman kundi pati na rin sa kanilang malasakit sa lipunan at kagustuhang makapagbigay ng makabuluhang pagbabago sa pamamagitan ng disenyo.

Nanguna sa pagkilala si Precious Angel Mamuad bilang top 1 Best Architectural Thesis Awardee para sa kaniyang proposal na “A Coastal Community Eco-Hub in Pagudpud, Ilocos Norte,” isang proyektong naglalayong pagsamahin ang sustainability, resiliency, at community-centered coastal development.

Kinilala rin si Modrey Joe D. Boce bilang top 2 para sa “Memories in the Sky: A Vertical Necropolis Development in the City of Ilagan Through Modern Funerary Architecture,” na nagpakita ng isang makabagong pananaw sa funerary architecture at urban memorial spaces.

Samantala, itinanghal naman si Syreen Joyce B. Casil bilang top 3 para sa “SENTRO: Redevelopment of Jones Socio-Civic Market Complex,” isang proyektong nakatuon sa revitalization ng pampublikong espasyo upang maging mas dynamic at community-centered na socio-civic environment.

Bukod sa mga nangunang presenters, kinikilala rin ang buong batch ng BSA 5 students para sa kanilang dedikasyon, pagod, at sakripisyong inilaan upang mabuo ang kani-kanilang thesis proposals. Sa likod ng bawat board presentations, scale models, at visual aids ay ang mga gabing walang tulog, revisions, pressure, at determination na maipakita ang kanilang pinakamahusay bilang future architects.

Hindi rin magiging matagumpay ang Thesis Defense Week nang walang paggabay at suporta ng mga thesis advisers, faculty architects, at external panelists na nagbahagi ng kanilang oras, kaalaman, at propesyonal na pananaw upang higit pang mapahusay ang mga disenyo at pananaliksik ng mga estudyante.

Sa bawat concept board, floor plan, at presentation, malinaw na ang bagong henerasyon ng mga arkitekto mula sa ISU Ilagan ay handang magbigay ng makabago, makabuluhan, at sustainable na ambag para sa lipunan.

✍️: John Ancheta

Photos from Meow Photobooth's post 15/05/2026

Thank you, Engr. Mari Fel Pedro, for sponsoring our photobooth and making Arki Night extra special! ✨

Want your school to be the top-listed School/college in Ilagan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Ilagan
3300