Liham,lihim
Writing down and performing your thoughts can serve to transform the intangibility of your emotions. expression. literature. message. cognition
06/12/2023
06 DECEMBER 2023
POETRY WEDNESDAY FEATURE π
Sa susunod na habang buhay na lang daw.π’
Starting today and every wednesday, Liham, Lihim will be having a poetry wednesday feature.π«Άπ»
Submit your entries now! π
First entry is from ELY M. π
Words from the writer:
This poem is about a love to happen next life. People can be together, but can also be apart if they are not meant for each other. Let us wait for another lifetime to make this happen. A love to last, and again, will never be rust. π₯Ί
30/08/2023
Sanaysay ni: Elora Margareth Cabag
Kartel ni: Elora Margareth Cabag
PAGBABAGO LABAN SA KAWALAN NG KALAYAAN
Pagbabago. Apat na pantig, siyam na letra. Madaling sabihin pero minsan mahirap gawin.
Maraming pagbabago para sa bayan, para sa kalikasan at para sa sarili. Andito na tayo sa sitwasyon kung saan ang pagbabago, ang pagbabago na mismo ang kusang lumalapit. Nakakainis, nakakapagod, nakakairitang marinig ang mga negatibong pahayag. Nanindigan tayo sa katotohanan pero pinagtatawanan lang tayo ng mga tao. Lumalaban tayo, Naniniwala tayo, Nagsusumikap tayo hanggang dulo, pero wala, wala tayong natatanggap. Pero napagtanto ko, napagtanto ko na, hindi ako dapat magsisisi, hindi tayo dapat magsisisi, sa pagpanig sa tama. At sa ganon, kasabay ng pagbabago. Kasabay ng pagbabago, ang pangarap na may mukha ng ligaya at matamis na ginhawa. Hinarap natin ang isang mundo. Isang mundo na punong puno ng hamon. Kinukulayan ang ating mga pangarap at ipinipinta ang ating kinabukasan.
Dapat nating tingnan ang ating sarili dahil hindi natin mawari kung kailan at paano natin malalampasan ang mga pagsubok na ating nararanasan. Pagbabago ang ating kailangan. Pagbabago na hinggil sa tamang pamamaraan. Lahat gustong magbago. Lahat gustong maging malaya. Lahat gustong umunlad. Ngunit maraming tao, maraming tao ang nananakit sa atin. Kung sinasaktan natin ang isa't isa, lahat ay kasangkot. Walang perpektong tao sa mundo, ngunit sa ating mga aksyon, sa ating mga aksyon, ang mga tao ay nakasalalay sa kung ano at bakit nangyayari ang mga kaganapang ito. Nagsasalita tayo para sa ating henerasyon. Dapat makinig, lumahok at makipag-ugnayan ang bawat isa. Habang ang lahat ng bagay sa paligid natin ay nakikita pagkatapos na maitago. Kung tutuusin, kailangan natin ang isa't isa. Kahit gaano pa tayo magkahiwalay. Nagbabago tayo hindi dahil may limitasyon tayo sa isa't isa. Ang buong mundo ay isang entablado. Isang entablado na magpapakita na bawat isa ay may kanya-kanyang oras at sandali. At ang isang tao ay gumaganap ng maraming tungkulin sa isang pagkakataon.
Kailangan natin ng pagbabago upang umunlad nang paulit-ulit; upang mapaalalahanan ang mga paraan kung paano natin malalampasan ito, kung paano natin nalampasan, at kung paano tayo mananalo sa kabila ng lahat ng ito. Ang buhay ay nagbibigay sa atin ng pag-asa na magbago at umunlad. Tayo ay bumangon muli at magsimula. Pagbabago. Apat na pantig, siyam na letra. Ito ang ating kailangan, ito ang ating pag asa. Walang pagsisisihan, walang sayang, lahat pahalagahan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Iloilo City