Imus GAD Unit

Imus GAD Unit

Share

"Promotes Women Empowerment, Gender Equality and Social Inclusion in the City of Imus"

02/06/2026

๐ŸŒˆ ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐——๐—˜ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—› ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐ŸŒˆ

Ngayong Buwan, ating kinikilala at ipinagdiriwang ang kagandahan ng pagkakaiba-iba, ang tapang ng pagiging totoo sa sarili, at ang karapatan ng bawat isa na mahalin at tanggapin nang walang pag-aalinlangan. ๐Ÿ’–โœจ

Ang bawat tao ay may sariling kuwento.
Ang bawat boses ay mahalaga.
At ang bawat kulay ay bahagi ng isang mas makulay at mas matatag na komunidad.

Sa Lungsod ng Imus, patuloy nating itinataguyod ang isang lipunang may paggalang, pagkakapantay-pantay, at inklusibong pag-unlad para sa lahat. Sapagkat ang tunay na lakas ng ating komunidad ay nakikita sa ating kakayahang magkaisa sa kabila ng ating mga pagkakaiba. ๐Ÿค๐Ÿ’œ

โœจ Sama-sama nating itaguyod ang pagmamahal kaysa diskriminasyon.
โœจ Pag-unawa kaysa panghuhusga.
โœจ Pagkakaisa kaysa pagkakahati-hati.

Dahil ang bawat isa ay nararapat makita, marinig, tanggapin, at mahalin. ๐Ÿณ๏ธโ€๐ŸŒˆ

Happy Pride Month, mga Imuseรฑo! Patuloy nating ipagmalaki ang ating mga kulay at ipakita na sa Imus, may puwang ang lahat. ๐Ÿซถ

Photos from Imus GAD Unit's post 06/05/2026

May 4, 2026, Oath Taking of Newly Elected Barangay GAD Officers

PRESIDENT: LOIDA BORATA โ€“ Anabu II-C
VICE PRESIDENT: MAINE LUNGCAY-ELEGINO โ€“ Bucandala II
SECRETARY: VEDASTO BAUTISTA JR. โ€“ Anabu I-F
ASST. SECRETARY: LORNA ALQUIROS โ€“ Magdalo
TREASURER: MONINA VINA MENDOZA โ€“ Poblacion IV-D
ASST. TREASURER PAUL CHRISTIAN CAMET โ€“ Buhay na Tubig
AUDITOR: SUSAN MABBATUNG โ€“ Malagasang II-G
PRO (Public Relations and Officer: GINA PALLESCO โ€“ Pag-Asa III
Public Information Officer: GINA VARGAS โ€“ Bayan Luma IV

Congratulations!

Photos from Imus GAD Unit's post 13/04/2026

Ngayon ika-13 ng Abril 2026, inimbitahan ang GAD Unit upang magbigay ng impormasyon patungkol sa Safe Spaces Act sa mga miyembro ng Homeowners Association (HOA). Ang aktibidad ay inorganisa ng Civil Society Organization (Unit) katuwang ang AIMHAI, ito ay dinaluhan ng mahigit 500 kalahok na aktibong nakinig at nakibahagi sa talakayan.

Si Dr.George G. Tumamak Jr. ang naging pangunahing tagapagsalita, kung saan kaniyang tinalakay ang mahahalagang probisyon ng batas, kabilang ang mga karapatan laban sa gender-based sexual harassment sa mga pampubliko at pribadong lugar.

Nagkaroon din ng bukas na talakayan at palitan ng kuro-kuro upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang kanilang papel sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad. Sa kabuuan, naging matagumpay ang aktibidad at nakatulong upang mapalawak ang kaalaman ng mga dumalo hinggil sa pagtataguyod ng ligtas na espasyo para sa lahat.

06/04/2026

Happy Birthday, Ms. Dorotea L. Sagenes, OIC Head of the City of Imus Gender and Development Unit.โœจ

Thank you for your genuine service to the community and for championing gender and development with heart. Wishing you a day full of love, good health, and happiness, and more years of inspiring and serving others. ๐Ÿ’œ

Photos from Imus GAD Unit's post 09/03/2026

National Women's Month Celebration City Government of Imus

09/03/2026

Tungo sa Tunay na Pagbabago! ๐Ÿ’œ๐Ÿ’ช

Ang tunay na pag-unlad ay nagsisimula kapag tinitingnan natin ang ating sistema sa mata ng pagkakapantay-pantay. Bilang dating Chairperson ng Philippine Commission on Women (PCW), ipinapaalala sa atin ni Dr. Bucoy na ang inklusibong lipunan ay hindi lamang isang pangarapโ€”ito ay isang proseso ng transpormasyon para sa mas mabuting kinabukasan ng lahat.๐Ÿค

Patuloy nating hamunin ang mga lumang kaisipan at bumuo ng mga organisasyong walang naiiiwan. โœŠ๐Ÿ”ฅ

Want your organization to be the top-listed Government Service in Imus?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


New Imus City Hall
Imus
4103