Barangay ExClusive
Ito ay nabuo upang makatulong at magbigay kumprensibong impormasyon na makatutulong sa atin bilang mamamayan ng Barangay 20, Tondo District 1 Manila.
31/05/2024
Last day na po ng submission para sa mga nais maging scholars ni Boss Elmer Cairo. Pagkatapos po nito ay amin ng iisa isahing basahin ang inyong mga sagot at mga marka.
Maraming Salamat po. 💚
Ito na po ang kumpletong detalye para sa hinahanap natin na mga bagong scholars ni Boss Elmer Cairo. Mangyari lamang na sagutin ang lahat ng nasa form para po ito ay ma assess ng aming team.
Kinakailangan nyo po muna na mag log in sa inyong mga email addresses para makasagot sa form.
http://tiny.cc/BECScholars
Deadline of submission is May 30, 2024. Kapag tapos na po, please comment below na "DONE" na po kayo p**i share na din po ng ating post.
Maraming Salamat Po.
Magulo at Masayang fiesta sa Parola 2024 💚 🪅🎉
20/02/2024
Tuloy tuloy na po ang medical mission at operation ng ating mga kabarangay na may Cleft Palate. Kami ay tumatanggap pa rin ng mga pasyente na may ganitong sitwasyon kahit taga ibang barangay.
Muli, ito po ay libre mula check up, maintenance na gamot at lahat ng pangangailangan hanggang sa inyong pag galing.
Maraming salamat po.
11/12/2023
Naging matagumpay ang pamamahagi ng Christmas Food Packs ng Pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, kasama ang kanyang mga kasamahan sa pamahalaan tulad ni Vice Mayor Yul Servo, Congressman Ernix Dionioso, at iba pang mga councilors sa mga mamamayan ng Barangay 20 at Barangay 275.
Isang malasakit na proyekto ang itinaguyod ng lokal na pamahalaan upang magbigay sigla at tulong sa bawat pamilya para sa darating na kapaskuhan. Sa kahabaan ng pamimigay, kitang-kita ang masiglang partisipasyon ng mga opisyal ng lungsod, patunay na tunay silang naglilingkod sa sambayanan.
Nagkaruon ng magandang koordinasyon sa pagitan ng mga lider ng lungsod, kapulisan, at staff ni Elmer Cairo, na nagresulta sa maayos at mabilis na distribusyon ng mga Christmas Food Pack. Ang nasabing aktibidad ay nagdudulot hindi lamang ng kasiyahan kundi pati na rin ng pag-asa sa puso ng mga benepisyaryo.
Sa kabila ng mga hamon sa kasalukuyang panahon, tila ba nabigyang aliw at inspirasyon ng pamamahagi ng mga ito ang mga taga-Manila. Isa itong huwarang pagtatanghal ng pagkakaisa at pagmamalasakit, nagbibigay diwa sa tunay na diwa ng Pasko.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Intramuros
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |