Kabataan Partylist - Intramuros
Kabataan Partylist, the sole representative of the youth in the Philippine Congress is now here in Intramuros! #PagAsaNgBayan
22/09/2022
Nitong Setyembre 21, ating ginunita ang ika-50 na taong nakalipas nang idiniklara ang Batas Militar. At sa pagkalipas na malagim na taon ay patuloy pa ring sigaw ang hustisya para sa bawat buhay na ninakaw, karapatang binaboy, at ang kaban ng bayang sinimot ng diktaduryang Marcos upang tustusan ang mala-pantasyang pamumuhay habang ang taumbayan ay ginutom at pinabayaan.
Sa pagbabalik ng anak ng diktador na si Ferdinand Marcos Jr. ay marahil nagagalak ito sa pagkakaluklok ay hindi natin o kahit sino man sa kanila ang makakawaksi ng katotohanan na ang pagbabalik nito ay bunga ng pagmamanipula ng sirkumstanya at kasaysayan. Ang harap-harapang pagpapakita ng impyunidad, hindi pag-ako ng kasalanan, pagbubuo ng alyansa ng Marcos-Arroyo- Duterte upang tuluyang maghari-harian at patuloy na pag-atake ng karapatang pantao ng mamamayang Pilipino ay patuloy na nagpapaalab sa ating puso bilang kabataan na lagi’t laging tumindig para sa bayan.
Ngayong ika-limang dekada simula nang isa sa pinakamadilim na yugto ng ating kasaysayan kaisa ang Kabataan Partylist- Intramuros na taas kamaong tumitindig para sa hustisya ng 3,257 biktima ng EJK, 35,000 na tinortyur, 77 na naglaho, at 70,000 na kinulong ng diktaduryang Marcos.
‘DI KAILANMAN MAKAKALIMOT. NEVER AGAIN. NEVER FORGET. MARCOS PAGBAYARIN!
25/08/2022
Handa ka na ba sa Face-to-face na klase, bestie? 🤔
Sa pagbabalik ng kabataan sa mga paaralan ay mahalagang masiguro na bitbit natin lagi ang panawagan at karapatan para sa edukasyon! Kaya halika’t sama-sama nating alamin kung bakit ba natin kailangan isulong at ipaglaban ang at ✊
Ikinagagalak ipresenta sa inyo ng kabataan Partylist- Intramuros ang InTARA Balik-Eskwela! Ito ay may series of events na pwedeng-pwede mong daluhan. 😮
Magrehistro lamang gamit ang link na ito🔗 : bit.ly/InTARAbalikeskwela
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Address
Intramuros