MalamyangPoet

MalamyangPoet

Share

Mga kabanata ng buhay, karanasang nagbigay aral para maglaan ng ideya para sa pag-asa at katatagan.

05/08/2025

Napasulyap ako sa kalangitan
tinitigan ko at kinuhanan

Iba naman talaga
ang dala na mensahe ng

“Bahaghari”

dala nito’y katatagan,
pag-asa at paghilom,
at kaginhawaan sa pakiramdam.

05/08/2025

Walang huli o nangunguna,
Hangga't desidido ka na baguhin
ang sarili mong kwento,
Kaya mo,
at lalong kayang-kaya pa.

Dahil ang sarili mo mismo
ang magsisilbing instrumento mo
para umusad, kumilos at tumatag.

01/08/2025

Salamat sa paghingi ng paumanhin
maski ‘di naman kelangan.
Tama na yung nandiyan ka.

30/07/2025

Iba pa rin talaga ang Nanay
pinipilit na maglaan ng oras
para lang maipadama na andiyan siya,
nakikinig sa’yo mula sa mga
reklamo sa buhay.

Wala naman siyang sasabihin,
makikinig lang.
Siguro ‘yun ang yaman
na 'di mapapalitan.

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Isabela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Isabela