Sulu 2PMFC

Sulu 2PMFC

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sulu 2PMFC, Public Service, Jolo.

07/02/2026

PNP TUMUGON SA SUNOG SA TAWI-TAWI; HALOS 1,000 PAMILYA INILIKAS

Sa gitna ng naglalakihang apoy na mabilis na lumamon sa mga kabahayan sa baybayin ng Bongao, Tawi-Tawi, agad na kumilos ang Philippine National Police upang iligtas ang mga residenteng nalagay sa panganib. Sa ilalim ng liderato ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., pinangunahan ng PNP ang rescue at evacuation operations sa Barangay Lamion 2 noong gabi ng Pebrero 3, 2026.

Bandang alas-10:27 ng gabi, namataan ng PNP–Maritime Group ang sunog sa isang coastal area ng barangay. Kaagad na nagpakilos ang yunit ng dalawang response teams—isang dumaan sa dagat at isa sa lupa—upang beripikahin ang sitwasyon, tukuyin ang lawak ng insidente, at tumulong sa mga residenteng nangangailangan ng agarang paglikas.

Pagdating sa lugar, tumulong ang PNP–Maritime Group sa mga pamilyang naapektuhan at sa pamamahala ng sitwasyon kasama ang Bureau of Fire Protection at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office. Bandang alas-12:46 ng madaling araw ng Pebrero 4, matagumpay na nasagip ang ilang biktimang napilitang lumangoy palayo mula sa nasusunog na bahagi ng barangay. Ang mga pamilyang na-trap sa kanilang mga bahay sa baybayin ay inilikas at isinakay sa Police Gun Boat, habang tiniyak ng PNP na walang hadlang sa pagpasok ng mga fire truck sa komunidad.

Pagsapit ng alas-2:30 ng madaling araw, tuluyang nakontrol ang sunog. Ang mga residente mula sa dalawang barangay na naapektuhan ng insidente—na tinatayang humigit-kumulang 1,000 pamilya—ay ligtas na inilikas at dinala sa MSU Amirbahar Gymnasium. Ayon sa mga residente, nakarinig umano sila ng malakas na pagsabog bandang alas-10:05 ng gabi, at mabilis na kumalat ang apoy dahil sa malakas na hangin at mga kabahayan na gawa sa light materials. Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection habang isinasagawa ng PDRRMO ang assessment sa lawak ng pinsala.

Ang agarang pagkilos ng PNP sa insidenteng ito ay sumasalamin sa PNP Focused Agenda—isang balangkas ng transpormasyon na layong gawing mas maaasahan at mas makatao ang serbisyo ng kapulisan. Sa pangyayaring ito, malinaw na naipakita ang kahalagahan ng Active Community Support, kung saan ang PNP ay aktibong umaalalay sa komunidad sa oras ng sakuna.

“When emergencies happen, the police must be present where people need help the most,” pahayag ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. “Mahalaga sa amin na matiyak na mailalayo sa panganib ang bawat pamilyang apektado.”

“This response reflects our commitment to protect lives,” dagdag ni PGEN Nartatez Jr. “Hindi kami titigil hangga’t hindi ligtas ang mga mamamayan.”

Habang patuloy na tumutugon ang PNP sa mga insidenteng naglalagay sa panganib sa mga komunidad sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nananatili ang paninindigan ng kapulisan “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

(PNP-PIO)

07/02/2026

PNP NABS FOREIGN NATIONAL IN BATANGAS CYBERSEX DEN; 7 TRAFFICKING VICTIMS RESCUED

A focused late-night police operation in Batangas has dismantled an online exploitation hub and freed young women from digital abuse, underscoring the Philippine National Police’s firm stand against cyber-enabled trafficking.

Under the leadership of PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., the PNP intensified its anti-cybercrime drive that led to the arrest of a foreign national and the rescue of seven trafficking victims in a single, well-executed operation.

On January 30, 2026, at around 10:00 PM in Nasugbu, Batangas, operatives of the Southern District Anti-Cybercrime Team implemented a Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) against a suspected cybersex den. The operation resulted in the arrest of a 27-year-old male American national for facilitating online sexual exploitation, and the rescue of seven female victims who were trafficked and exploited through live-streamed cybersex activities. Digital devices used in the illegal operation were confiscated at the scene and are now undergoing forensic examination.

The arrested foreign national is facing charges for violations of Republic Act No. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), as amended by RA No. 10364 and further amended by RA No. 11862, in relation to Section 6 of RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). Authorities noted that the case highlights the evolving nature of trafficking crimes, where abuse is carried out through online platforms while victims are physically hidden within local communities.

This successful operation reflects the PNP Focused Agenda—a clear framework of transformation designed to make police service responsive and trustworthy. Among its key priorities, Enhanced Managing Police Operations stands out in this case, as it emphasizes intelligence-driven actions, lawful cyber operations, and the protection of vulnerable individuals against technology-facilitated crimes.

PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. stressed the seriousness of the offense and the responsibility of law enforcement to protect victims from online abuse.

“Cyber-enabled trafficking is a grave crime that preys on vulnerability and hides behind technology, but the PNP will continue to pursue offenders wherever they operate—online or on the ground. Hindi natin hahayaang gamitin ang teknolohiya para sirain ang dangal at kinabukasan ng ating mga kababayan.”

In a separate statement, PGEN Nartatez Jr. emphasized the importance of victim rescue and case build-up.

“Our priority is always the safety of the victims and the strength of the case we file in court, ensuring accountability under the law. Mahalaga na ang mga biktima ay mailigtas, mapangalagaan, at mabigyan ng hustisya.”

As the PNP sustains its campaign against cybercrime and human trafficking through lawful, intelligence-based operations under the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr., it continues to assure the public of “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

(PNP-PIO)

07/02/2026

BABAENG PULIS, NAGPA-ANAK SA HARAP NG ISTASYON NG PULIS SA ALBAY

Isang kahanga-hangang kabutihang-loob at mabilis na pagtugon ang muling ipinamalas ng Philippine National Police (PNP) matapos tumulong ang isang babaeng pulis sa ligtas na panganganak ng isang ginang sa labas mismo ng Sto. Domingo Municipal Police Station sa Albay, gabi ng Pebrero 5, 2026.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office 5 (PRO 5), kinilala ang pulis na si Police Master Sergeant Maricel Burzon, isang registered nurse, na agarang rumesponde bandang alas-7:30 ng gabi nang humingi ng tulong ang isang ina na hindi na makayanan pang makarating sa lying-in clinic dahil sa biglaang paghilab.

Ang ginang na residente ng Barangay Manila, Rapu-Rapu, Albay, ay isinakay na sana ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard upang madala sa pagamutan. Ngunit dahil sa mabilis na pagdating ng panganganak, napilitan silang dumiretso sa himpilan ng pulisya upang humingi ng agarang saklolo.

Sa tulong ng kaalaman ni PMSG Burzon sa larangan ng medisina, matagumpay at ligtas na naipanganak ang sanggol sa loob ng service vehicle na nakaparada sa harap ng police station. Matapos ang panganganak, agad namang isinugod ang mag-ina sa GDB Lying-In Hospital sa Bigaa, Legazpi City para sa karagdagang gamutan at obserbasyon.

Pinuri ni Chief PNP, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mabilis na pagresponde at malasakit na ipinamalas ni PMSG Burzon.

“Hindi lang ito kwento ng panganganak, kundi kwento ito ng malasakit at tunay na serbisyo. Ipinakita ni PMSG Burzon ang puso ng pagiging pulis: handang tumulong, handang magligtas, at handang kumilos kahit anong oras,” ani PGen Nartatez Jr.

Dagdag pa ni Chief PNP, PGEN Nartatez Jr., ang insidenteng ito ay patunay na ang serbisyo ng pulisya ay hindi lamang nakatuon sa pagpapatupad ng batas kundi pati sa pag-aaruga sa buhay ng mamamayan.

“Sa bawat pagkakataong may buhay na naliligtas, mas lalo nating pinatutunayan na ang PNP ay hindi lang tagapagpatupad ng batas—katuwang din tayo ng bawat Pilipino sa oras ng pangangailangan,” aniya.

Binigyang-diin ng PNP na ang ganitong uri ng pagtugon ay sumasalamin sa patuloy na pagsusumikap ng organisasyon na maging mas makatao, mas mabilis umaksyon, at mas malapit sa publiko.

Sa pagtatapos, muling iginiit ng PNP ang paninindigan nitong maghatid ng serbisyong may malasakit at may tunay na epekto sa buhay ng mga Pilipino—“Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

(PNP-PIO)

Want your organization to be the top-listed Government Service in Jolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Jolo
7400