Task Force Highlander

Task Force Highlander

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Task Force Highlander, Community Service, Jones.

Photos from 86th Infantry "Highlander" Battalion, 5ID, PA's post 09/04/2026

๐Ÿ–๐Ÿ”๐ˆ๐ ๐๐€๐Š๐ˆ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐๐† ๐ˆ๐Š๐€-๐Ÿ–๐Ÿ’ ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐†๐ˆ๐“๐ˆ๐๐†๐€๐: ๐†๐ˆ๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐๐€๐˜๐€๐๐ˆ ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐๐”๐‡๐€๐˜

Buong dangal na nakibahagi ang mga kasundaluhan ng 86th Infantry โ€œHighlanderโ€ Battalion sa paggunita ng ika-84 na Araw ng Kagitingan na ginanap sa Heritage Memorial Park, Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya ngayong ika-9 ng Abril 2026, na may temang โ€œGiting ng Bayani, Pamana sa Salinlahi.โ€

Ang aktibidad ay pinangunahan ni MGen Gulliver L. Siรฑeres, Commander, 5th Infantry Division, Philippine Army bilang panauhing pandangal at tagapagsalita. Nakiisa rin si BGen Rhoderick L. Parallag, Commander, 502nd Infantry Brigade, kasama si Ltc Rod A. Babaran Jr., Commanding Officer ng 86IB, at Ltc Paulo A. Espinosa, Director ng 203rd Community Defense Center. Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya, Lokal na Pamahalaan ng Solano, Kagawaran ng Turismo, Nueva Vizcaya State University, Girl Scout of the Philippines Nueva Vizcaya Chapter, Sons and Daughter Association Inc., laang-kawal ng 203rd RRIBn, ibaโ€™t-ibang ahensya ng pamahalaan, at mga beterano sa pangunguna ng Philippine Veterans Affairs Office.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni MGen Siรฑeres na ang Araw ng Kagitingan ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan kundi isang paalala at hamon sa kasalukuyan at sa hinaharapโ€”na ang diwa ng kabayanihan ay dapat patuloy na isabuhay at ipamana sa susunod na henerasyon.

Ang Araw ng Kagitingan, na kilala rin bilang โ€œDay of Valor o Bataan Dayโ€, ay ginugunita bilang pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, partikular ang pagbagsak ng Bataan noong ika-9 ng Abril taong 1942 at ang makasaysayang โ€˜Death Marchโ€™ na kumitil sa libo-libong buhay ng mga sundalong pilipino.

Sa kasalukuyan, ito ay ginugunita bilang bahagi ng Philippine Veterans Week, kung saan patuloy na kinikilala ang mahalagang papel at sakripisyo ng mga beterano sa pagkamit ng kalayaan ng bansa.

Ang 86IB ay nananatiling matatag sa tungkulin nito na ipagtanggol ang mga komunidad sa area na nasasakupan at panatilihing buhay ang diwa ng kagitinganโ€”hindi lamang sa alaala ng nakaraan, kundi sa bawat kilos at sakripisyo para sa kapayapaan at kinabukasan ng sambayanang pilipino.

โ€œ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜จ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ขโ€”๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข, ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ.โ€ โ€“๐˜ผ๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™ฎ๐™ข๐™ค๐™ช๐™จ

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Jones?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Jones