Blade Tribe Aklan
Custom Blades&art Crafts
Habang nag prep tayo ng panibago.. I share ko ang video ng ilan sa mga naging proseso nung nkalipas na nanalong entry. Hindi na natin inuulit ang design para maiba naman ang kasunod.
Magisa ko lang ginawa simula pag forged ng dalawang blades hangan sa hilt and wood scabbard. 1month ang naging preparasyon ko neto, inabot ako 1week sa isang handle pa lang😅at 4-5days nman sa isang scabbard. Sigarado pagtawanan tayo ng mga local talibong artisan kasi sa iba 1-3days lang sa kanila buo na ang isang talibong😄. Lagi kasi 1stym, ginagawa ang mga design na nasa isip at isang beses lang gumawa pag tuwing talibong festival lang. Pero kung ginagawa ko siguro araw2x at paulit-ulit, malamang kahit pa naka pikit. Haha. Kaya sa modern lang tayo sumasali para pasok ang sariling desinyo na nais.
At ngaung 2026 na pang entry, 1 week lang ang nging prep time, kaya kumuha na lang ako ng dalawang blades sa isang pandayan para maka habol pa.
16/04/2026
Karamihan sa mga aklan talibong artisan,ang panday ay magpapagawa ng hilt and scabbard sa mga wood carver at ang mga master carver naman ay nagppagawa rin ng blade sa magagaling na panday kaya sa loob ng ilang araw lamang ay nkakabuo na sila ng ilang piraso. Iilan lamang ang mismong panday ng talibong na siya rin mismo ang gumagawa ng mga tagub at pueo kaya inaabot ng matagal bago matapos ang isa.
Naisip ko tuloy bat pa ako magppakahirap mag panday kung pwede naman palang kumuha na lang ng blade sa local pandayan.kahit hindi tayo sanay kasi hindi namam natin gawain at nakasanayan ang pagawa ng tagub&pueo.subukan parin natin para makahabol sa entry ng talibong. Hindi lang maiwasan ang mga imperfection kaya need pa iretoke muna bago pasubuhan uli sa magaling na pandayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
Kalibo