Kalibo Cable TV Community Channel

Kalibo Cable TV Community Channel

Share

This is the official page of Kalibo Cable TV, as the previous one was hacked.

16/04/2026

𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑'𝐒 𝐂𝐔𝐏 𝟏𝐒𝐓 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐁𝐎

𝐏𝐈𝐂𝐊𝐋𝐄𝐁𝐀𝐋𝐋

𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓 𝐒𝐏𝐎𝐑𝐓𝐒 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑
𝐀𝐏𝐑𝐈𝐋 𝟏𝟕-𝟏𝟗,𝟐𝟎𝟐𝟔

𝐁𝐎𝐔𝐆𝐀𝐈𝐍𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀 𝐑𝐎𝐀𝐃, 𝐀𝐍𝐃𝐀𝐆𝐀𝐎, 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐁𝐎, 𝐀𝐊𝐋𝐀𝐍

16/04/2026

𝗞𝗔𝗟𝗜𝗕𝗢 𝗖𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗡𝗘𝗪𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗟𝗧𝗩

-Ari-arian at alagang a*o ng isang residente sa Lezo, Aklan, naabo
-Kotse inararo ang 3 tricycle sa Nabas, Aklan
-10 katao arestado sa aktong pagpuslit ng krudo sa Surigao Del Norte

Erajoy Briones, Kalibo Cable News

16/04/2026

𝐆𝐑𝐀𝐒𝐒 𝐅𝐈𝐑𝐄 𝐒𝐔𝐌𝐈𝐊𝐋𝐀𝐁 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐍, 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐊𝐓𝐀𝐑𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐌𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐔𝐏𝐎𝐊

Sumiklab ang grass fire sa bahagi ng Brgy. Tagas, Tangalan nitong Huwebes, Abril 16.

Ayon sa paunang ulat, nagsimula ang sunog sa damuhan sa may Baluga Hills kung saan agad na kumilos ang mga residente upang apulahin ang apoy sa pamamagitan ng bucket brigade habang hinihintay ang pagdating ng mga bumbero.

Batay sa ulat ng BFP Tangalan, nakatanggap sila ng tawag at agad namang rumesponde sa lugar upang magsagawa ng fire fighting operations.

Idineklara ang fire out bandang alas-5:29 ng hapon matapos makontrol ang pagkalat ng apoy.
Tinatayang nasa limang ektarya ng damuhan ang natupok sa insidente.

Sa kabutihang palad, walang kabahayan na naapektuhan at wala ring naitalang nasaktan.

Wala ring idineklarang halaga ng pinsala dahil ayon sa mga awtoridad ay walang pananim o ari-arian na nadamay sa nasunog na lugar.

Sa kasalukuyan, patuloy pang iniimbestigahan ng BFP Tangalan ang pinagmulan ng sunog.

Courtesy : Joana May Traje Lorenzo


𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗶-𝗳𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸 𝗽𝗮𝗴𝗲 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗺𝘂𝘁𝗼𝗸 𝘀𝗮 #𝗞𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼𝗖𝗮𝗯𝗹𝗲𝗡𝗲𝘄𝘀 𝘁𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗮𝘀-𝟰 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼 𝗖𝗮𝗯𝗹𝗲

16/04/2026

𝐏𝐫𝐞𝐬𝐬 𝐁𝐫𝐢𝐞𝐟𝐢𝐧𝐠: Public Weather Forecast issued at 5:00 AM | April 17, 2026 - Friday
DOST-PAGASA Weather Specialist: Leanne Loreto
Courtesy | DOST-PAGASA


𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗶-𝗳𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸 𝗽𝗮𝗴𝗲 𝗮𝘁 𝘁𝘂𝗺𝘂𝘁𝗼𝗸 𝘀𝗮 #𝗞𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼𝗖𝗮𝗯𝗹𝗲𝗡𝗲𝘄𝘀 𝘁𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗹𝗮𝘀-𝟰 𝘀𝗮 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼 𝗖𝗮𝗯𝗹𝗲

Want your business to be the top-listed Media Company in Kalibo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Vet. Avenue Poblacion
Kalibo