Local Youth Development Office KAWIT

Local Youth Development Office KAWIT

Share

KAWIT YOUTH DEVELOPMENT OFFICE

Photos from Kawit Football Club's post 01/06/2026
Photos from Local Youth Development Office KAWIT's post 23/05/2026

LARO'T SAYA SA PARKE
May 23, 2026

Bumandera ang galing, disiplina, at pusong palaban ng ating mga atletang Kawiteรฑo sa huling Sabado ng Mayo! Dinagsa ng ating mga manlalaro ang Aguinaldo Shrine para sa pagtatapos ng ating mga Saturday sports sessions ngayong buwan. Nakakataba ng puso ang inyong ipinakitang consistency at determinasyon na mag-ensayo at magpakitang-gilas mula sa unang linggo ng Mayo hanggang sa huling hirit na ito.

Kitang-kita ang matinding pokus at determinasyon sa bawat court at board! Narito ang inyong mga action shots mula sa puspusang drills sa Basketball, Volleyball, Badminton, Football, Baseball/Softball, Taekwondo, at ang matalas na diskarte sa Chess. Silipin ang inyong mga solo at group shots na patunay ng inyong husay at pagkakaisa ngayong umaga, at i-tag na ang inyong mga teammates at training partners sa comment section!

Ang tagumpay ng ating programa ay handog ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Kawit sa pangunguna nina Mayor Armie Aguinaldo at Vice Mayor Angelo G. Aguinaldo. Maraming salamat din sa suporta ng Local Youth Development Office (LYDO), Kawit Tourism Office, Barangay Kaingen, at United Team Buhay.

I-save na ang inyong mga larawan at ipagpatuloy ang paghahasa ng inyong kakayahan! Kita-kits muli tayo bukas ng umaga para sa huling laro at saya ngayong Mayo para sa mas malakas na Kawit.

21/05/2026

๐Š๐š๐ฆ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š ๐ค๐š, ๐Š๐š๐›๐š๐ญ๐š๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฐ๐ข๐ญ๐žรฑ๐จ?

Sa mundong puno ng pressure at pagsubok, mahalagang alagaan hindi lamang ang katawan kundi pati ang ating isipan. Tandaan, hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Ang paghingi ng tulong ay hindi kahinaan kundi isang anyo ng katatagan.

Ngayong World Mental Health Awareness Month, sama-sama nating wakasan ang stigma at palaganapin ang pag-unawa, pagmamahal, at pag-aaruga sa isaโ€™t isa.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Kawit?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Kawit
4104