Arkie

Arkie

Share

Pa support mga young 👑

03/04/2026

Kung sino yung lagi mong nakakasama, magiging tulad ka nila.

Hindi ito opinion. Pattern ito.

Tingnan mo buhay mo ngayon.

Yung way ng pag-iisip mo,
yung standards mo,
pati yung mga ginagawa mo araw-araw.

Malaki ang epekto ng mga taong nasa paligid mo.

Kung ang kasama mo puro reklamo,

mapapansin mo unti-unti
nagiging normal na rin sayo magreklamo.

Kung ang usapan niyo lagi tungkol sa tsismis,
mawawala ka sa focus.

Kung ang mindset nila maliit,
mahihirapan kang mangarap ng malaki.

Hindi dahil mahina ka.
Kundi dahil nahahawa ka.

Ganun talaga.

Pero baliktarin natin.

Kapag ang kasama mo may disiplina,
mapipilitan ka ring mag-adjust.

Kapag ang usapan niyo tungkol sa growth,
negosyo, at goals, tataas din ang standard mo.

Kapag ang mga tao sa paligid mo seryoso sa buhay,
mahihiya kang manatiling stagnant.

Kaya hindi lang sipag ang kailangan mo.

Kailangan mo rin ng tamang environment.

Hindi mo kailangan iwan lahat agad.

Pero maging intentional ka.

Piliin mo kung sino ang madalas mong kausap.

Piliin mo kung saan ka tumatambay.

Piliin mo kung anong klaseng energy ang pinapasok mo sa buhay mo.

Dahil sa totoo lang,
hindi ka lang produkto ng effort mo.

Produkto ka rin ng mga taong pinapakinggan mo araw-araw.

“Walk with the wise and become wise, for a companion of fools suffers harm.” – Proverbs 13:20

Kung gusto mong gumaling ang buhay mo,
lumapit ka sa mga taong maayos ang direksyon.

Dahil kung sino ang kasama mo, doon ka rin papunta.

03/04/2026

TOTOO BANG “GOD WILL PROVIDE” KAHIT TAMAD KA?

Oo, provider si God.

Pero hindi ibig sabihin
pwede ka nang hindi kumilos.

Minsan kasi…
ginagamit na lang ‘yan na palusot.

Walang effort.
Walang diskarte.
Walang ginagawa,

“God will provide.”

Yes, nagbibigay si God ng:
✔ opportunity
✔ ability
✔ chance

Pero may responsibility ka pa rin.

Hindi pwedeng naghihintay ka lang ng milagro.

Kasi ang totoo,
kumikilos si God sa buhay ng taong kumikilos din.

“Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.”

Kung gusto mong umasenso,
ikaw ang unang gagalaw.

Hindi sapat ang faith lang,
kailangan may aksyon.

03/04/2026

Payapa

Want your business to be the top-listed Media Company in Kidapawan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Poblacion Magpet North Cotabato
Kidapawan