Labo United Pentecostal Church

Labo United Pentecostal Church

Share

This page is created to ba a channel of God's Word to inspire, encourage and prepare everyone in the Kingdom of God. πŸ˜‡

18/03/2026

GOD SPEAKS THROUGH OTHER PEOPLEβ˜οΈπŸ™

An excerpt from the radio program aired on Radyo Pilipinas 96.9FM Camarines Norte entitled β€œAng Tinig ng Pag-asa" Hosted by Pastor Jhun Villaraza.

Wednesday (3:00-4:00 PM)

To God be all the Gloryβ˜οΈπŸ™

18/03/2026

𝟳 𝗨π—₯π—œ π—‘π—š π— π—”π—‘π—”π—‘π—”π— π—£π—”π—Ÿπ—”π—§π—”π—¬π—” 𝗦𝗔 π—Ÿπ—’π—’π—• π—‘π—š 𝗖𝗛𝗨π—₯𝗖𝗛 | By Pastor Jhun Villaraza

Layunin: Maunawaan ang kalagayan ng mga mananampalataya at hikayatin ang paglago sa pananampalataya

πŸ“– Key Verse:

Ephesians 4:13
β€œHanggang sa marating nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ang pagiging ganap kay Cristo.”

Ang church ay parang pamilya o katawan. Hindi lahat ay nasa parehong antas ng spiritual growth. May nagsisimula pa lamang, may lumalago, at may mga mature na.

I. Ang Bagong Mananampalataya (The New Believer)

πŸ“– 1 Peter 2:2, "Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas."

Katangian:

β€’ Bagong tanggap si Cristo

β€’ Nagsisimula pa lang matuto ng Salita ng Diyos

β€’ Madaling maapektuhan ng environment

Biblical Truth: Ang bagong believer ay parang sanggol sa pananampalataya.

Responsibility ng Church:

β€’ Turuan

β€’ Gabayan

β€’ Alagaan

Application:

Ang bagong mananampalataya ay kailangang mapalapit sa Salita ng Diyos at sa fellowship.

II. Ang Mahinang Mananampalataya (The Weak Believer)

πŸ“– Romans 14:1, "Datapuwa't ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo, hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan."

Katangian:

β€’ Madaling matisod

β€’ Madalas nagdududa

β€’ Hindi pa matatag sa decisions

Babala:

β€’ Minsan sila ang madaling ma-discourage o umalis sa church.

Application:

Ang mature believers ay dapat magpakita ng patience at compassion.

III. Ang Makalamang Mananampalataya (The Carnal Believer)

πŸ“– 1 Corinthians 3:1–3, "At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo."

[2] "Kinandili ko kayo ng gatas, at hindi ng lamang-kati; sapagka't kayo'y wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;"

[3] "Sapagka't kayo'y mga sa laman pa: sapagka't samantalang sa inyo'y may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo'y mga sa laman, at kayo'y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?"

Katangian:

β€’ Christian ngunit nangingibabaw ang laman

β€’ May jealousy, division, at pride

β€’ Hindi lumalago spiritually

β€’ Problema: Ito ang kadalasang nagdudulot ng conflict sa church.

Application:

Ang solusyon ay repentance at spiritual discipline.

IV. Ang Matibay na Mananampalataya (The Strong Believer)

πŸ“– Romans 15:1, "Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina, at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili."

Katangian:

β€’ Matatag sa pananampalataya

β€’ Hindi madaling matisod

β€’ May malalim na trust sa Diyos

Responsibility:

Hindi sila dapat magyabang kundi tumulong sa mahihinang believers.

V. Ang Lingkod na Mananampalataya (The Serving Believer)

πŸ“– 1 Peter 4:10, "Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa't isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios."

Katangian:

β€’ Ginagamit ang kanyang spiritual gifts

β€’ Active sa ministry

β€’ May puso sa paglilingkod

Ang bawat believer ay may kaloob mula sa Diyos.

Application:

Ang church ay hindi audience β€” ito ay body na naglilingkod.

VI. Ang Matapat na Mananampalataya (The Faithful Believer)

πŸ“– Matthew 25:21
β€œWell done, good and faithful servant.”

Katangian:

β€’ Consistent sa prayer
β€’ Consistent sa church
β€’ Consistent sa ministry

Truth:

Hindi lahat ay sikat, pero ang mahalaga sa Diyos ay katapatan.

VII. Ang Mature na Mananampalataya (The Spiritual Believer)

πŸ“– Hebrews 5:14, "Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama."

Katangian:

β€’ May spiritual discernment

β€’ Lumalakad sa Spirit
Nakikita ang bunga ng Spirit

πŸ“– Related Verse: Galatians 5:22–23

Bunga ng Spirit:

β€’ Love
β€’ Joy
β€’ Peace
β€’ Patience
β€’ Kindness
β€’ Goodness
β€’ Faithfulness
β€’ Gentleness
β€’ Self-control

Ang church ay binubuo ng iba’t ibang antas ng mananampalataya.
Ngunit ang layunin ng Diyos ay lumago ang lahat hanggang maging katulad ni Cristo.

πŸ“– Philippians 1:6
β€œAng Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay siyang magtatapos nito.”

17/03/2026

To God be all the Gloryβ˜οΈπŸ™

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Labo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Labo
4604