Barangay Bayabas Labo CN
This is the Official Page of Sangguniang Barangay ng Bayabas (Labo, Camarines Norte)
27/03/2026
"Wishing a very Happy Birthday to our hardworking and dedicated Punong Barangay, Toling P. Glipo! 🥳🎂
Thank you, Kap, for your tireless service, leadership, and for always putting the welfare of our community first. May you be blessed with continued health, wisdom, and strength as you lead us toward a brighter future.
Let’s show our appreciation in the comments below mga kabaranggay! 👇
22/03/2026
📢 Barangay Assembly Day – 1st Quarter CY 2026 | Barangay Bayabas
Theme: “Nagkakaisang Barangay tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran” ✨
Today marks a significant milestone for our community as we successfully conducted the 1st Semester CY 2026 State of the Barangay Address and Barangay Assembly Day 2026 headed by Punong Barangay Restutiles P. Glipo at the Brgy. Bayabas Covered Court (March 22, 2026 | 1:00 PM).
Maraming salamat po sa lahat ng dumalo at nakiisa! 🙏
Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay patunay ng ating pagkakaisa, transparency, at malasakit sa komunidad.
💡 The accomplishments presented and plans discussed today prove that when we work together, great things happen. Sama-sama nating itaguyod ang isang maayos, ligtas, at maunlad na Barangay Bayabas.
We hope that every resident of Barangay Bayabas continues to experience growth, harmony, and prosperity. With unity and active participation, our vision of a safe, clean, peaceful, and progressive barangay is within reach.
MARAMING SALAMAT PO! 💙
Dahil sa insidente ng hacked Facebook account sa ilan nating kabarangay, narito po ang ilang mahalagang paalala upang mapanatili ang kaligtasan ng inyong Facebook account. 📢
‼️ Gumamit ng malakas at natatanging password at iwasan ang paggamit ng personal na impormasyon.
‼️ I-activate ang Two-Factor Authentication (2FA) para sa dagdag na proteksyon.
‼️ Huwag mag-click ng kahina-hinalang links o mensaheng humihingi ng inyong login details.
‼️ Huwag ibahagi ang security codes kahit kanino.
‼️ Siguraduhing ligtas at aktibo ang email at mobile number na naka-link sa account.
‼️ Regular na i-check ang login activity at i-report agad ang hindi kilalang access.
KARAGDAGANG PAALALA 📢
‼️ Mag-ingat po sa mga Facebook account na na-hack at ginagamit sa panloloko at panghihingi ng pera.
‼️ Huwag munang magbigay o magpadala ng pera, kahit pa ang mensahe ay nagmumula sa kilalang account.
‼️ Beripikahin muna sa pamamagitan ng direktang tawag o videocall bago magbigay ng anumang tulong pinansyal.
‼️ I-report agad sa Facebook at sa kinauukulang awtoridad ang mga kahina-hinalang mensahe o account.
📌 Mahigpit pong ipinapaalala na ang Facebook at anumang lehitimong institusyon ay hindi humihingi ng password, security code, o login details sa pamamagitan ng chat, comment, o post.
📌 Ang pakikipagtulungan at pag-iingat ng bawat isa ay mahalaga upang mapanatili ang ligtas at maayos na online na komunidad.
Para sa kaalaman at pag-iingat ng lahat.
23/12/2025
Pagmamahal at malasakit para sa ating mga PWD. 💞
Namahagi ang Sangguniang Barangay ng Bayabas ng simpleng handog na Food Packs para sa mga Persons with Disability bilang bahagi ng taunang programa ng barangay ngayong ika-23 ng Disyembre, 2025.
21/12/2025
A Day of Gratitude and Celebration: Senior's Citizens Day and Barangay Year-End Party 2025 🎊🎉✨
The Barangay Council headed by PB Restutiles P. Glipo extends its sincere thanks to our senior citizens and the entire community for your support and unity throughout the year. As we celebrate today, we look forward to more years of togetherness, service, and progress. Thank you and happy celebrations!
INVITATION TO BID
PROCUREMENT OF UTILITY VAN for Disaster Response and Rescue Activities (for conversion into a rescue vehicle) of Brgy.
Bayabas, Labo, Camarines Norte.
The Utility Van should have the following specifications:
• One (1) unit of Utility Van (for conversion into a rescue vehicle)
• Transmission: Manual Transmission
• Engine Size: 1.5L
• Displacement: 1,496cc
• No. of Cylinder: 4
• No. of Valves: 16
• Drive Train: Rear Wheel Drive
• Max. Ouput: 97Hp @6,000 rpm
• Max. Torque: 134 Nm @ 4,400 rpm
• Fuel Type: Gasoline
• Steering: Power Steering with the following:
- Siren
- Folding Stretcher
- Medicine Cabinet
- Oxygen Set
- With Print of Name and Logo of Barangay, Municipality and Rescue
The bidder may submit its bid through any of the following:
EVELYN P. DE UNA
BAC Chairperson
Barangay Bayabas, Labo, Camarines Norte
Email: [email protected]
26/10/2025
📍A SUCCESSFUL BARANGAY ASSEMBLY DAY 2025! ✨
📍2nd Semester - CY 2025
📍 📅 October 26, 2025
Ang Sangguniang Barangay ng Barangay Bayabas, sa pangunguna ni Hon. Restutiles P. Glipo, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng residente na dumalo at aktibong nakibahagi sa ating Barangay Assembly Day.
Ang inyong pakikilahok, mga mungkahi, at suporta ay patunay ng ating pagkakaisa at malasakit para sa maayos, tapat, at makabuluhang pamamahala. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at bukas na komunikasyon, patuloy nating pinatatatag ang ating barangay tungo sa kaunlaran at kapayapaan.
Sama-sama nating isulong ang isang mas maunlad, ligtas, at nagkakaisang Barangay Bayabas. 💚
Muli po, isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakiisa!
25/10/2025
ANNOUNCEMENT‼️
BARANGAY ASSEMBLY DAY
FOR 2ND SEMESTER - CY 2025
Theme: "Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon, Ating Talakayin ngayong Barangay Assembly!”
🗓 Date: October 26, 2025 (Sunday)
⏰ Time: 1:00 PM
📍 Venue: Barangay Covered Court
Ang Barangay Assembly ay isang mahalagang pagtitipon kung saan ating pag-uusapan ang mga isyu, proyekto, at programang makakatulong sa pag-unlad ng ating komunidad.
📌 Mga Dapat Abangan:
✅ Ulat ng Barangay Council (Punong Barangay, Mga Kagawad, SK Chairman, Brgy. Treasurer, Brgy. Secretary, atbp)
✅ Mensahe at ulat mula sa iba pang ahensiya
✅ Mga proyekto at serbisyong nakalaan para sa mamamayan
✅ Talakayan ukol sa seguridad, kaayusan, at kaunlaran
✅ Open Forum – pagkakataon mong maipahayag ang iyong mga saloobin at suhestiyon
Halina't sama-sama nating pagtulungan ang pag-unlad ng ating Barangay! Tara na at makiisa sa Barangay Assembly Day para sa isang ligtas, maayos, at progresibong kinabukasan!
Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa, nakisaya at nagpaabot ng tulong para sa matagumpay na pagdiriwang ng kapistahan sa ating Barangay. Ang inyo pong suporta at pagmamahal ang nagbigay buhay sa ating selebrasyon.
Mula sa Sangguniang Barangay ng Bayabas, kami po ay nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at pagtitiwala!
Maraming salamat po!
See you next year! ✨
30/05/2025
Maligayang pagdiriwang ng kapistahan, Barangay Bayabas! 🎉✨
FEAST OF OUR LADY OF MANAOAG
Nawa'y magdiwang ang lahat ng masaya at mapayapa!
- Pagbati mula sa pamunuan ng Sangguniang Barangay ng Bayabas
29/05/2025
Get ready for a night of glamour and beauty! ✨
Join us on May 30 for the Mutya ng Barangay 2025 Coronation Night! 💫✨
Here are the complete lists of our winners for Mutya ng Barangay 2025!
MUTYA NG BARANGAY 2025
- ISLAH JANEZZA F. RODRIGUEZ
1ST RUNNER UP
- ASHLEY B. DIZON
2ND RUNNER UP
- SHAMCEY F. ROMAN
3RD RUNNER UP
- MARIA JESSA F. ILIW ILIW
4TH RUNNER UP
- CHIELZY MAE A. MORATA
Congratulations to our candidates!
See you there! 🎉
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy. Bayabas
Labo
4604