Z-Klean Laundry

Z-Klean Laundry

Share

FULL SERVICE
(WASH | DRY | FOLD)

447 Alabang Zapote Road, Talon Uno, Las Piñas City

10/04/2026

📢 MAHALAGANG PAUNAWA 📢

Sa aming mga mahal at suking customer,

Una sa lahat, maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta sa aming maliit na laundry shop. Malaki po ang aming pasasalamat sa bawat customer na patuloy na tumatangkilik sa amin.

Ipinapaalam po namin na simula Lunes, Abril 13, 2026, ang aming regular laundry rate ay magiging ₱210 bawat load (max 8kg).
Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa pagbabagong ito.

Mula Mayo 2022 hanggang Marso 10, 2026, nanatili po sa ₱195 bawat load ang aming presyo sa loob ng halos apat na taon. Sa panahong iyon, kahit patuloy na tumataas ang gastos sa kuryente, supplies, at gasolina,pinili po naming huwag munang magtaas ng presyo upang manatiling abot-kaya ang aming serbisyo para sa aming mga customer.
Ngunit sa mga nakaraang buwan, lalo pong lumaki ang epekto ng pagtaas ng gastos sa aming operasyon. Kahit bago pa ang kasalukuyang gulo at pagtaas ng presyo ng gasolina, matagal nang tumataas ang presyo ng mga bilihin. Kamakailan lamang, ang presyo ng gas/lpg na ginagamit sa pagpapatuyo ng damit ay tumaas ng 61%, na malaki na pong epekto sa aming pang-araw-araw na operasyon.

Mula Marso 11, 2026, dalawang maliit na adjustment lamang po ang aming nagawa, at ang kasalukuyang pagbabago ay kinakailangan upang maipagpatuloy namin ang operasyon ng shop, mapanatili ang kalidad ng serbisyo, at masuportahan ang aming mga empleyado.

Hindi po naging madali ang desisyong ito para sa amin, ngunit ito po ay hakbang upang maipagpatuloy namin ang paglilingkod sa inyo sa mga darating pang buwan at taon.

Kami po ay taos-pusong humihingi ng inyong pang-unawa at patuloy na suporta sa aming maliit na negosyo.

Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala at pagtangkilik. 💙

11/03/2026

📢 PAUNAWA 📢

Sa aming mga mahal at suking customer,
Simula sa darating na Lunes, Marso 16, 2026, ang aming regular na laundry rate ay magbabago mula ₱195 hanggang ₱200 bawat load (max 8kg).

Alam po namin na kahit maliit na dagdag ay mahalaga, kaya sinubukan po naming iwasan ang pagtaas ng presyo hangga’t maaari. Ngunit dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina at gas, na naapektuhan ng kasalukuyang sigalot sa pagitan ng Iran–Israel conflict, tumaas din po ang gastos sa pagpapatakbo ng aming laundry shop.

Ang gas ay isa sa pangunahing ginagamit namin araw-araw, lalo na sa pagpapatuyo ng mga damit at sa operasyon ng aming mga makina. Dahil dito, naaapektuhan din ang gastos ng tindahan, mga bayarin, at ang sahod ng aming mga empleyado.

Kami po ay taos-pusong humihingi ng inyong pang-unawa at pasensya sa maliit na ₱5 na dagdag na ito, upang maipagpatuloy namin ang aming serbisyo sa inyo.

Ang inyong patuloy na pagtangkilik ay malaking tulong sa aming maliit na negosyo at sa kabuhayan ng aming mga empleyado.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, tiwala, at suporta.

09/11/2025

Hello mga Kalabada!

We’ll be closing early today. We’ll keep you posted for updates. Your understanding means a lot as we prioritize the safety of our staff.

Let’s all stay safe and keep praying for everyone’s protection as the typhoon passes. 🙏

Z-klean Laundry Family

31/07/2025

Hello, mga Kalabada! 🧼🧺

Please be informed that due to ongoing shop enhancements, we will be closing earlier than usual today, July 31, 2025.

📌 We’ll resume normal operations tomorrow:

Laundry Processing: 8:00 AM – 8:00 PM

Pick-Up & Delivery: 11:00 AM – 5:00 PM

Thank you for your continued trust and understanding!

— Your Z-Klean Laundry Family

Want your business to be the top-listed Cleaning Service in Las Piñas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


447 Alabang Zapote Road
Las Piñas
1747

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm