Zhikabehkol
sa laog' sa bikol
26/08/2025
PNP CHIEF TORRE, SINIBAK SA PWESTO
Tinanggal sa pwesto si Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Nicolas Torre III pagkatapos ng halos tatlong buwang panunungkulan.
Kinumpirma ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang liham na may date na August 25.
Matatandaang malaki ang papel ni Torre sa pag-aresto kina dating pangulong Rodrigo Duterte nitong March at Apollo Quiboloy noong September 2024.
10/08/2025
10/08/2025
‘I’LL SIGN IT’
Pinabulaanan ni Pres. Bongbong Marcos ang pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia na hahayaan niyang mag-lapse bilang batas ang panukala na magpapaliban sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa August 14.
Nilinaw ni Marcos na pipirmahan niya ito para bigyang-daan ang paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) polls sa October.
“If that election fails, that’s a failure in the peace process,” saad ni Marcos sa panayam sa media bago lumipad pabalik sa bansa mula sa kanyang pagbisita sa India nitong Biyernes, August 8.
Tinututulan ang pagpapaliban sa BSKE dahil sa umano’y pag-alis sa karapatan ng mga Pilipino na bumoto ng kanilang mga magiging lider sa barangay.
Full interview sa comments section.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Legazpi/albay
Legazpi
4500