BicoldotPH

BicoldotPH

Share

Subscribe to our YT Channel: BICOLDOTPH
Support us: 09706872615
Email us @[email protected]

Photos from BicoldotPH's post 02/06/2026

DOST-Bicol, ₱129-M ang suporta sa MSMEs mula 2023-2025

Umabot sa ₱129 milyon ang pondong inilaan ng Department of Science and Technology (DOST)-Bicol para sa mga benepisyaryo ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) mula 2023 hanggang 2025.

Inilahad ng DOST Regional Office V at ng anim na Provincial Science and Technology Offices (PSTOs) ang datos sa 2026 Kapihan sa Bicol Press Conference noong Hunyo 1.

Ayon sa ahensya, nagkaroon ng 61 porsiyentong pagtaas sa produktibidad at 51.9 porsiyentong paglago ng empleyo sa mga negosyong nakatanggap ng suporta sa ilalim ng programa noong 2025.

Mahigit 3,500 micro, small, and medium enterprises (MSMEs) din ang nabigyan ng laboratory testing, packaging, at labeling assistance.

Iniulat din ng DOST-Bicol na 1,604 na bagong iskolar ang sinuportahan nito noong 2024 at 2025. Ayon sa ahensya, 36 porsiyento ng mga nagtapos na iskolar ang nakatanggap ng Latin honors.

Sa larangan ng nutrisyon, sinabi ng DOST na tumaas ng 200 porsiyento ang produksyon ng Bicol Nutritional Pack sa pakikipagtulungan sa Department of Education.

Samantala, nagdeploy ang ahensya ng 21 disaster-resilience technologies sa 13 komunidad sa rehiyon sa halagang ₱12.9 milyon.

Kabilang dito ang Unsinkable Porta Boat na ginamit sa pagsagip sa 39 katao sa Gainza, Camarines Sur noong pananalasa ng Bagyong Kristine noong Oktubre 2024.

Nagpatayo rin ang DOST ng limang water desalination facilities na nagsusuplay ng inuming tubig sa mahigit 780 kabahayan sa mga baybaying lugar ng San Pascual at Balatan.

Ayon kay DOST-Bicol Assistant Regional Director Ma. Theresa D. Alcantara, nakatuon ang ahensya sa pagpapatupad ng mga programang may pangmatagalang benepisyo para sa mga komunidad sa rehiyon.| Jay-ar Perez, Grace Nivero

01/06/2026

Ama namo sa langit, bantayi Mo an samuyang pamilya asin protektari sa ano mang panganib. Nawa magin puno nin pagkamoot, respeto, asin pagkakaurusa an samuyang harong kada aldaw.

Amen.

Want your business to be the top-listed Media Company in Legazpi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Legazpi
4400