BICOL NET TV

BICOL NET TV

Share

Your window to the heart of Bicol—bringing you the latest news, inspiring stories, vibrant culture, and the warmth that only our region can offer.

LTO Region V, Nag-Courtesy Visit kay Gov. Noel Rosal para sa Mas Pinatibay na Serbisyong Transportasyon sa Albay 03/06/2026

LTO Region V, Nag-Courtesy Visit kay Gov. Noel Rosal para sa Mas Pinatibay na Serbisyong Transportasyon sa Albay

LTO Region V, Nag-Courtesy Visit kay Gov. Noel Rosal para sa Mas Pinatibay na Serbisyong Transportasyon sa Albay Bicol Net TV, Internet TV Station, Media, Media News Campany, Bicol News, Baretang Bicol, Bicol Bloggs, Bicol Vlogg

03/06/2026

5-DAY WORKWEEK SA KAPITOLYO IBABALIK SIMULA SA SUSUNOD NA LINGGO

LEGAZPI CITY, Albay — Pormal nang ibinalik sa regular na limang araw kada linggo (five-day workweek) ang pasok ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.

Ito ay matapos ilabas ni Gobernador Noel E. Rosal ang Executive Order No. NER-037, Series of 2026 noong Hunyo 2, 2026. Sa pamamagitan ng kautusang ito, binabawi at inaamyendahan ang naunang Executive Order No. NER-25 na nagpatupad ng apat na araw na onsite work arrangement (four-day compressed workweek).

Ayon sa bagong kautusan, ginawa ang hakbang na ito matapos ang masusing pagsusuri sa kasalukuyang pangangailangan ng lokal na pamahalaan.

Napag-alaman na ang pagbabalik sa regular na limang araw na pasok ay mas makatutulong upang mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo publiko at mas masiguro na madaling maugnayan at mapuntahan ng mga mamamayan ang mga tanggapan ng gobyerno.

Ayun sa naturang derektiba opisyal nang pinawalan ng bisa ang four-day onsite work arrangement. Lahat ng empleyado at opisyal ng kapitolyo ay kailangang sumunod muli sa regular na iskedyul at opisyal na oras ng pagtatrabaho. Magiging epektibo ang pagbabalik sa standard five-day workweek sa darating na Hunyo 8, 2026.

Mananatili namang may bisa ang iba pang mga probisyon sa ilalim ng EO No. NER-25 na hindi kasama sa usapin ng compressed workweek (tulad ng mga protocol sa energy conservation).

Inaasahang sa pagbabalik ng normal na operasyon sa darating na Lunes, mas magiging mabilis at swabe ang pagproseso ng mga transaksyon ng mga mamamayan sa buong lalawigan ng Albay.

Want your business to be the top-listed Media Company in Legazpi?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 6am - 12pm
Tuesday 6am - 12pm
Wednesday 6am - 12pm
Thursday 6am - 12pm
Friday 6am - 12pm
Saturday 6am - 12pm
Sunday 6am - 12pm