OMA-Limay

OMA-Limay

Share

Public page ||Official page of Agriculture Office of Limay, Bataan.

Photos from OMA-Limay's post 25/05/2026

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐭𝐢-𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐕𝐚𝐜𝐜𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐀𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐲𝐨𝐩 𝐬𝐚 𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲

Noong Mayo 20, nagsagawa ang OMA-Limay ng Anti-Rabies Vaccination para sa ating mga alagang hayop na ginanap sa Limay Multipurpose Hall katuwang ang mga OJT mula sa BPSU-Abucay Campus. Pinangunahan naman ni Ms. Helen Bernaldez Rosario ng Municipal Health Office ang pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa rabies at sa kahalagahan ng regular na pagpapabakuna upang mapanatiling ligtas at malusog ang ating mga alagang hayop at komunidad.

Photos from OMA-Limay's post 11/05/2026

18 𝐌𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐏𝐞𝐧𝐢𝐧𝐬𝐮𝐥𝐚 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 - 𝐀𝐛𝐮𝐜𝐚𝐲 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬, 𝐌𝐚𝐢𝐧𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐓𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐋𝐆𝐔-𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲

Ngayong araw, May 11, 2026, malugod na tinanggap ng LGU Limay, sa pangunguna ni Mayor Richie Ja*on D. David, ang labingwalong (18) On-the-Job Trainees (OJT) mula sa Bataan Peninsula State University - Abucay Campus na magsasagawa ng kanilang practicum sa Office of the Municipal Agriculturist (OMA-Limay).

Sa ilalim ng paggabay ni Mr. Joselito D. Galicia, Supervising Agriculturist ng OMA-Limay, inaasahang mas mapapalawak ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at kakayahan sa larangan ng agrikultura at pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng aktwal na pakikilahok sa iba’t ibang programa at gawain ng tanggapan.

Photos from OMA-Limay's post 10/05/2026

𝐓𝐮𝐥𝐨𝐲-𝐓𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐡𝐚𝐲𝐮𝐩𝐚𝐧, 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐎𝐌𝐀-𝐋𝐢𝐦𝐚𝐲

Nagsagawa ang Office of the Municipal Agriculturist ng tuloy-tuloy na serbisyong pangkahayupan sa ating bayan ng Limay mula Mayo 4–7, 2026, kabilang ang pagbabakuna kontra rabies para sa mga alagang hayop, gayundin ang Artificial Insemination (AI), deworming, pagbibigay ng multivitamins, at pagkakapon para naman sa mga livestock bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng ating mga alaga at kabuhayan.

Ito ay sa patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Limay, sa pangunguna nina Mayor Richie Ja*on D. David, Vice Mayor Grace David, at ng Sangguniang Bayan, ng mga programang makatutulong sa sektor ng agrikultura.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Limay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Limay
2103

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm