Duale Health Center
announcement of health cnter activities and accomplishments...
28/04/2026
07/08/2025
school Base immunization
Duale Elem school
Bakuna eskwela..
04/06/2025
‼️PABATID: BAKUNA KONTRA- RABIES 💉‼️
Isang magandang balita para sa lahat ng Limayan!
Amin pong ipinababatid na simula bukas , June 4, 2025 ay muli nang makakakuha ng libreng bakuna kontra rabies sa ating Rural Health Unit.
Bagamat ilang linggo din ang lumipas na tayo po ay nawalan ng supply ng bakuna, hindi po tumigil ang Pamahalaang Bayan ng Limay upang tayo po ay muling makapag bigay ng libreng bakuna at masiguradong beripikado ang mga dokumento bago ito isapubliko.
Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa at inaabisuhan po namin kayo sa posibleng dami ng pasyente na magiging dahilan ng mas mahabang oras ng paghihintay.
Umasa po kayo na ito po ay tutugunan ng mga kawani ng Municipal Health Office upang masiguro ang maayos na pagbigay ng serbisyo sa lahat ng ating mga pasyente.
Maari din pong pumunta ang mga pasyenteng naka-schedule noong May 13 na hindi pa nakakompleto ng bakuna.
Dalin lang po natin ang ating valid ID at Vaccination (Anti Rabies) card.
Maraming salamat po.
19/04/2025
ALAM NIYO BA?
Isa sa karaniwang problemang pangnutrisyon dito sa Pilipinas ay ang Vitamin A deficiency na nagdudulot ng pagkahina ng ating katawan sa paglaban nito sa impeksyon, pagbagal ng paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo. Sa mga pagkakataon namang hindi agad mabibigyang pansin, ito ay maaaring mauwi sa pagkabulag at kamatayan.
Ayon sa datos ng World Health Organization, nasa 250,000 hanggang 500,000 batang vitamin A deficient sa buong mundo ang nabubulag kada taon at kalahati ng mga ito ay namamatay.
Kung kaya't patuloy na ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na dalhin ang inyong mga anak sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa vitamin A supplementation, gayundin sa mga kapapanganak na nanay.
Huwag balewalain ang nutrisyon para sa malakas at maayos na paggana ng bawat organo sa ating katawan. Patuloy ding sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments. Sama-sama tayo sa pagkamit ng 1Bataan na nakatutok sa nutrisyon ng matatag na pamilyang Bataeño.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Duale
Limay
2103