Spoken poetries
LOVE TO WRITE.
Repost muna tayo ng mga old works ko guys habang wala pang new project.
Ikaw at ako
Written by:Yours truly...
Paano ko ba ito sisimulan?
Eto na ngat sisimulan ko na ang kwento
Kwento na kung saan ang bida ay ikaw at ako
Kwento na kung saan pareho tayong panalo
Mahal naaalala mo pa ba?
Kung kailan tayo nagsimula?
Kung kailan nagkakilalat nahulog sa isat isa?
Natatandaan mo pa ba?
Ang araw kung kailan nagsimula ang kwento nating dalawa?
Ang saya,kasi nakilala kita
Ang saya,kasi dumating ka
Mukha koy di maipinta sa sobrang saya
Saya na sayo ko lang nadama
Sana ikaw na nga
Alam ko na walang kasiguraduhan na tayo na hanggang katapusan
Pero sana pareho nating pagsumikapan
Pareho sana natin tong ipaglaban
Sana pag dumating ang araw na tayoy nagkakalabuan na
Pareho sana tayong lumaban
Sana pag dumating yung araw na nagkakasawaan na
Pareho sana tayong gumawa ng paraan para isalba ang naumpisahang pagmamahalan
Oo marami sila pero mas pinili kita
PINILI KITA KASI ALAM KO NA SAYO AKOY SASAYA.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Lingayen