Sad gurl

Sad gurl

Share

Strong and independent 💪🧠
Hardworking student & single mom 🦋❣️

23/06/2024

Ex: Parang diko kayang harapin lahat kapag wala ka akala mo okey lang lahat saken sobrang nagsisi nakooo
( Bakit nung hinihiling ko bang manatili ka sa tabi ko nakinig ka? Okey lang talaga sayo un Kasi nagawa mo nga kaming Iwan ng anak mo para ano, para san para sa sarili mong kagustuhan? Nagsisi ka bakit sinabi ko bang iwanan mo kami? )

Ex: Gusto kung sabihin lahat at himinge ng tawad sa lahat
( Wala ka ng dapat pang ipaliwanag malinaw na sakin ang lahat )

Ex: Ayawww konang ganto
( Ayaw mo ng ganyan bakit sa tingin mo ba ginusto ko tong kalagayan ko ngayon sa tingin mo ba ginusto kong mag isa sa pagpapalaki ng anak natin correction anak ko lang Pala! )

Ex: Sorry
( Sorry din pero hindi ganon kadali un matapos ang lahat ng paghihirap ko ng mag isa sasabihin mo sorry? Pwesss sorry din Kasi di ko magawang ibigay sayo ung pagpapatawad ko )

Ex: Plsss
( Whahahha wag ka nga mag patawa ginawa ko na din dati yan nagmakaawa ako sayo wag mo lang kaming iwan pero anong ginawa mo iniwan mo pa din kami tas ngayon kung makaplease ka parang napakadali lang na pagbigyan Kita e no pagkatapos ng mga ginawa mo Sakin at pag abanduna mo samin ng anak ko TUMIGIL KA DI AKO TANGA!!!

Please lang din tumigil kana
Pagod na din akong umasa na maayos pa!
Napagbigyan na kita,
Tumino ka ba?
Hindi naman diba!
Kaya ngayon
Pabayaan mo na ako/kami
Kaya namin ng wala ka!!

22/06/2024

Mali ba ang
biglaang pananahimik
kung ang
sarili'y hindi
na maintindihan?
ang pagod
sa mga bagay
na makabuluhan.
Ang pagtulog ang paraan upang mabawasan,
Bigat na nararamdaman
Sabi nila matulog ka at ng makapagpahinga ka!
Ngunit ang totoo
kailan man ang pagtulog ay
hindi na matatawag
na pahinga.
Tama ba na tawagin pa itong pahinga?
Kung sa bawat pag tulog problema ang naalala
Ang mundong ating ginagalawan,
Puno ng mga mapaglarong pagsubok
Pagsubok na walang katapusan
Mga hamon sa buhay na di malaman kung malalagpasan,
Ngunit sa kabila ng lahat nananatili tayong matatag,malakas,lumalaban nanalig, at matapang na humaharap sa bawat mga laban.
Hindi masamang magpahinga,
basta't pagsapit ng umaga ay muling babangon para muling humarap sa bawat laban na ating kaylangang pagdaanan.
Laban na kung saan walang kasiguraduhan ngunit kaylangang lagpasan
Para sa kinabukasan

21/06/2024

Count me in! No to paasa LAHAT po ng mag follow sakin follow back ko

28/06/2023

Natauhan

Paglipas ng panahon
Maraming nabubuo at naglalaho
Maraming nangyayari
Maraming kaganapan

Na di natin alam kung bat itinadhana
Itinadhana na tayo'y magkakilala,
Ika'y aking mahalin ng sobra
Itinadhanang iyong saktan ng mahigit kumulang isang daang porsyento

Pagmamahal, pagtitiwala, pag unawa, pagpapakumbaba at pag aalaga
Mga sangkap na aking ginawa ng sa gayon ika'y matuwa
Sangkap na aking pinalago upang mabuo ang matayog nating pag-sasama
Pagsasamang akala ko'y hanggang dulo na

Sa matatamis mong salita ako'y natulala
Tinangay ng aking imahinasyon na ika'y tunay at tapat gaya ng mga salitang iyong binibigkas
Na tila ba'y isang patibong na nag iintay na ako'y mabitag
May dalang panganib kapag ako'y bumigay

Sa paglipas ng panahon ay aking natuklasan
Mga bagay na hindi kanais nais na iyong isinasagawa
Ako'y iyong pinaibig at pinasakay
Sa lahat ng iyong plano upang ako'y masaktan

Sa pagkakataong ito ay ako'y natauhan
Nagising at namulat sa katotohanan
Katotohanang ako'y hindi mo mahal
Katotohanang ako'y pinapaikot mo lang

Gaya ng ng tula
Ang isip at puso ko'y nag tutugma
Ako'y iyong pinaibig
Upang ako'y nahulog at mabitag sa iyong patibong na nag dulot ng sakit at pighati❤😖

02/04/2023

KILOMETRONG AGWAT

Ilang daang kilometrong agwat
Saang lupalop ba kita matatagpuan?
Humigit kumulang isang daang bayan ang kaylangan kong lagpasan makita ka lamang.
Napakadaming hadlang!

Di ko alam kung pano ko malalagpasan.
Di ko alam kung paano.
Madaming panahon na ang nasayang ng dahil sa agwat na ating pilit inipiglalaban!
Ang pag mamahalang napakadaming hadlang!

Hindi ko inasahan
Nasa pag gising ko wala kana sa tabi ko.
Hindi ko inasahan sa susubukin tayo ng panahon.
Pagsubok na hindi ko alam kung kaya nating Lampasas

Kaylan kaya kita muling masisilayan?
Kaylan kaya kita muling makakasama?
Kaylan kaya kita muling mayayakap?
Kaylan ba kita muling mahahagkan?
Ang daming tanong na hindi ko alam kung mayroong mga kasagutan!

Mga tanong na pilit gumugulo sa aking isipan!
May pag asa pa bang muli kang makatabi?
May pag asa pa bang muli kang makasama?
Hindi ko na alam!

Ilang taon ba ang kaylangan nating tiisin?
Ilang taon pa ang kaylangan nating pagdusahan ng dahil sa ating pagitan?
Sa panahong nananabik ako sayo sinta, tanging larawan mo lamang ang aking dala!
Hindi ko alam!kung bakit tayo humantong sa ganito?

Bakit? at Kaylan?
Mga tanong sa isip kong di mabigyan ng kasagutan.
Nang dahil sa sitwasyong hindi natin inaasahan.
Ikaw at ako ay pinaglayo.
Ilang luha pa ba ang kaylangang matuyo.
Hindi ba maaring ibalik ka sa akin ng sitwasyong pilit tayong inilayo

Hanggang alala na lang ba maibabalik ang saya?
Sa imahenasyon ko na lang ba makikita ang mga bagay na dapat ginagawa natin ng mag kasama?
Sa imahe ko na lang ba masisilayan ang magagandang ngiti na iyong handog sa akin?
At sa panaginip na lang ba kita muling makikita at makakasama sa pagtulog?

Hindi ba sapat ang pag ibig ng inalay natin sa isat isa upang hindi tayo paglayuin ng sitwasyon?
Sana bukas pag gising ko palaginip na lang ang lahat!
Sana bukas muli kitang masilayan sa aking tabi!
Sana ibalik ka sakin ng sitwasyong pilit na naglayo satin at nag lagay ng killmetrong agwat.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Lucena?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Quezon Province
Lucena